Pumunta sa nilalaman

Espiridonia Bonifacio

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Espiridonia Bonifacio de Castro
Kapanganakan14 Disyembre 1875(1875-12-14)
Kamatayan26 Mayo 1956(1956-05-26) (edad 80)
LibinganManila South Cemetery
NasyonalidadPilipino
Ibang pangalanNonay
Kilala saHimagsikang Pilipino
PartidoKatipunan

Si Espiridonia de Castro Bonifacio (14 Disyembre 1875 – 26 Mayo 1956) ay isang Katipunera at bayaning Pilipino. Siya ay isa mga unang babaeng kasapi ng Katipunan na itinatag ng kanyang nakatatandang kapatid na si Andres Bonifacio. Ang iba pa niyang nakatatandang kapatid ay sina Ciriaco Bonifacio at Procopio Bonifacio.

Noong siya ay labing-pitong taong gulang pa lamang, siya ay nagpakasal noong 1893 kay Teodoro Plata na isa rin sa mga nagtatag ng Katipunan. Siya ay nabalo nang bitayin si Plata sa Bagumbayan (Luneta) noong 1896 nang matuklasan ng mga Kastila ang Katipunan. Di naglaon, matapos paslangin ang kanyang mga nakatatandang kapatid ng mga alagad ni Emilio Aguinaldo sa Cavite, siya ay kinupkop ng isang pamilyang taga-Cavite rin na may apelyidong Distrito upang itago sa mga tumutugis na alagad ni Aguinaldo, na nais din siyang paslangin. Matapos ang himagsikan, napangasawa niya ang isa sa mga anak ng pamilyang kumupkop sa kanya.

Si Espiridiona Bonifacio-Distrito ay namatay noong Mayo 26, 1956 sa Paco, Manila. Siya ay nakahimlay sa Manila South Cemetery. Siya ang nalalamang pinakahuling kapatid ng Supremo na nabuhay pagkatapos ng pananakop ng mga dayuhan sa Pilipinas.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.