Pumunta sa nilalaman

Espresso

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
espresso

Ang espresso (bigkas: /es·pré·so/;[1] mula sa Italyano: caffè espresso) ay isang malasang kapeng nalilikha sa pamamagitan ng pilitang pagdadaan ng mainit na mainit ngunit di-kumukulong tubig sa giniling na kape.

Kung ihahambing sa kapeng karaniwang iniinom sa Pilipinas, nagtataglay ang espresso ng mas makapal na consistency o pagkabuo, mas malaking amount o halaga ng lusaw na solido bawat kaugnay na bolumen, at mas maliit na serving size (kilala bilang single o double shot, bagaman minsan maaari ring maiorder ang isang triple o higit pa na shot).

Masasabing nababagay tulad ng eladong kape ang isang shot ng espresso sa mainit na klima ng Pilipinas dahil mas kakaunting mainit na tubig ang kakailanganing inumin ng magkakape, at dahil dito naiiwasan ang labis na pagpawis at ang maaaring kasunod na pangangamoy-araw.

Inumin Ang lathalaing ito na tungkol sa Inumin ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.