Estasyon ng United Nations ng LRT

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
 United Nations 
Sistema ng Magaang Riles Panlulan ng Maynila
UN Avenue Station.jpg
Estasyong United Nations
Estadistika ng estasyon
Direksiyon Kanto ng Taft Avenue, General Luna Street at United Nations Avenue, Ermita, Maynila 1000
Linya Unang Linya ng LRT
Koneksiyon Gusaling Times Plaza, Maynila
Istruktura Nakaangat
Plataporma Mga plataporma sa gilid
Riles 2
Iba pang impormasyon
Binuksan Disyembre 1, 1984
Kodigo UN
Pagmamay-ari ng Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon (DOTC)
Pangasiwaan ng Magaan na Riles Panlulan (LRTA)
Mapa
Unang Linya ng LRT
aprobadong
pagpapahaba
North Avenue  MRT-3 
Roosevelt
Balintawak
North Luzon
Expressway
Malvar
Monumento
5th Avenue
R. Papa
Abad Santos
Blumentritt  PNR 
Tayuman
Bambang
Doroteo Jose  MRT-2 
Carriedo
Ilog Pasig
Central Terminal
United Nations
Pedro Gil
Quirino
Vito Cruz
Gil Puyat
Libertad
EDSA  MRT-3 
Silungan
Baclaran
Redemptorist
planadong pagpapahaba
Manila International AirportNinoy Aquino International Airport
Asia World
Ninoy Aquino
Dr. Santos
Manuyo Uno
Las Piñas
Zapote
Talaba
Niog
Serbisyo
Huling estasyon   Manila LRT   Susunod na estasyon
toward Roosevelt
LRT-1
toward Baclaran

Ang Estasyong United Nations ng LRT, na kilala rin bilang Estasyong UN Avenue ng LRT o sa literal, Estasyon ng Mga Nagkakaisang Bansa ng LRT, ay isang estasyon sa Manila LRT (Unang Linya ng LRT). Katulad ng iba pang mga estasyon ng LRT-1, nakaangat sa lupa ang estasyong United Nations. Nagsisilbi ang estasyon sa Ermita sa Maynila at matatagpuan sa kanto ng Abenida Taft at Abenida ng United Nations. Ang abenida naman ay ipinangalan mula sa pandaigdigang samahan ng Mga Nagkakaisang Bansa (United Nations).

Nagsisilbi bilang pang-labintatlong estasyon ang estasyong United Nations para sa mga treng LRT-1 na patungo sa Baclaran at pang-walong estasyon para sa mga treng patungo sa Roosevelt.

Mga kalapit na pook-palatandaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Tanawin mula sa Estasyong United Nations

Ito ang pinakamalapit na estasyon sa isa sa mga pangunahing pook-palatandaan ng Maynila, Liwasang Rizal, na ipinangalan sa pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. José Rizal. Dahil sa puwesto nito malapit sa Liwasang Rizal, malapit ang estasyon sa mga tanggapan ng pamahalaan tulad ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas at Hukuman ng Apelasyon; at mga tanggapan ng Kagawaran ng Turismo (DOT), the Kagawaran ng Katarungan (DOJ), Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat (NBI), at Komisyon ng Seguro. Malapit din sa estasyon ang mga panrehiyong punong tanggapan ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan (WHO) sa Kanlurang Pasipiko.

Ang paligid ay kinaroroonan ng maraming mga institusyong pang-edukasyon, tulad ng Instituto Cervantes de Manila, Pamantasang Adamson, Pamantasang Normal ng Pilipinas, Teknolohikal na Unibersidad ng Pilipinas, U.P. Manila College of Arts and Sciences, Dalubhasaan ng Santa Isabel ng Maynila, Kolehiyong Emilio Aguinaldo, Mataas na Paaralan ng Araullo, at Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Maynila. Malapit din sa estasyon ang Pambansang Aklatan, Pambansang Museo ng Antropolohiya, at Liwasang Paco, gayundin ang punong tanggapan ng Philtrust Bank, YWCA ng Maynila, Waterfront Manila Pavilion Hotel, The Pearl Manila Hotel, Central United Methodist Church (Manila), at Cathedral of Praise. Ilan sa mga kilalang ospital ay matatagpuan malapit rito sa kahabaan ng Abenida ng United Nations, tulad ng Manila Doctors Hospital at Medical Center Manila.

Nakaugnay ang Estasyong United Nations sa Times Plaza, isang sentro pangkomersiya na kahalintulad sa isang maliit na gusaling pamilihan. Ito ang angkop na hintuan para sa mga papuntang Eva Macapagal Terminal sa Pantalan ng Maynila, Manila Ocean Park, Robinsons Place Otis, Malacañang Park, at Embahada ng Estados Unidos.

Mga kawing pangpanlalakbay[baguhin | baguhin ang batayan]

Pinagsisilbihan ang estasyong United Nations station ng mga bus at dyipni na nagsisilbi sa rutang Abenida Taft at kalapit na ruta. Humihinto rin ang mga taksi at traysikel sa estasyon at paligid nito.

Pagkakaayos ng Estasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

L2
Mga plataporma
Gilid ng plataporma, nagbubukas ang mga pintuan sa kanan
Plataporma A Unang Linya ng LRT patungong Roosevelt
Plataporma B Unang Linya ng LRT patungong Baclaran
Gilid ng plataporma, nagbubukas ang mga pintuan sa kanan
L2 Lipumpon Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan
L1 Daanan Plaza Salamanca, Medical Center Manila, Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan-Punong Tanggapan sa Kanlurang Pasipiko, Mataas na Paaralan ng Araullo, Tulay patungong Times Plaza

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga koordinato: 14°34′56.97″N 120°59′04.78″E / 14.5824917°N 120.9846611°E / 14.5824917; 120.9846611