Pumunta sa nilalaman

Estasyon ng Quirino (LRT)

Mga koordinado: 14°34′12.79″N 120°59′30.03″E / 14.5702194°N 120.9916750°E / 14.5702194; 120.9916750
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Estasyong Quirino ng LRT)
Quirino
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila
Looban ng Estasyong Quirino
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonPanulukan ng Abenida Taft at Abenida Quirino, Malate, Manila
Pagmamayari ni/ngKagawaran ng Transportasyon (DOTr)
Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA)
LinyaUnang Linya ng LRT
PlatapormaGilid ng plataporma
Riles2
Ibang impormasyon
KodigoQU
Kasaysayan
NagbukasDisyembre 1, 1984
Serbisyo
Huling estasyon   Manila LRT   Susunod na estasyon
patungong Fernando Poe Jr.
Line 1
patungong Dr. Santos

Ang Estasyong Quirino ng LRT, na kilala rin bilang Estasyong Quirino Avenue ng LRT, ay isang himpilan sa Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila (Unang Linya ng LRT). Katulad ng iba pang mga estasyon ng LRT-1, nakaangat sa lupa ang estasyong Quirino. Nagsisilbi ang estasyon para sa Malate sa Maynila at matatagpuan sa panulukan ng Abenida Taft, Abenida Quirino at Kalye San Andres. Ipinangalan ang estasyon mula sa Abenida Quirino, na ipinangalan kay dating pangulong Elpidio Quirino.

Nagsisilbi bilang pang-labinlimang estasyon ang estasyong Quirino para sa mga treng LRT-1 na patungo sa Dr. Santos at bilang ikalabing-isang estasyon para sa mga treng patungo sa Fernando Poe Jr..

Mga kalapit na palatandaang pook

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dahil matatagpuan ang estasyon sa Malate, malapit ito sa mga pasyalan tulad ng Manila Zoo, Manila Yatch Club, Baywalk ng Maynila, Simbahan ng Malate, Plaza Rajah Sulayman, at ang sikat na lugar panlibang ng Malate na Remedios Circle at Kalye Adriatico. Malapit din ito sa Ospital ng Maynila Medical Center, San Andres Sports Complex, Malate Catholic School, Saint Anthony School, Doña Aurora Quezon Elementary School, at mga opisina ng Kawanihan ng Paghahalaman.

Mga kalapit na hotel

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maraming mga hotel ang pwedeng puntahan ng mga bibisita sa Quirino. Isa sa mga ito ay ang Dusit Thani Manila na may 4.4 kilometrong layo mula sa estatsyon. Malapit din ang The Heritage Hotel Manila na 3.3 kilometrong layo, Kingsford Hotel Manila na may 3.1 kilomentrong layo. Ang pinakamalapit na malaking hotel ay Sofitel Philippine Plaza Manila na may 2.1 kilometrong layo lamang mula sa Quirino.[1]   

Mga kawing pangpanlalakbay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Humihinto ang mga bus at dyip na dumadaan sa Abenida Taft malapit sa estasyon, at sa malalapit na lugar, mga sasakyang de-padyak at mga taksi. Pwede silang gamitin upang ikutin at lumabas ng Malate.

May isang estasyon ng Philippine National Railways na matatagpuan din malapit dito, ang Estasyong Paco.

Pagkakaayos ng Estasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
L2
Mga plataporma
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
Plataporma A Unang Linya ng LRT patungong Fernando Poe Jr.
Plataporma B Unang Linya ng LRT patungong Dr. Santos
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
L2 Lipumpon Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan
L1 Daanan

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

14°34′12.79″N 120°59′30.03″E / 14.5702194°N 120.9916750°E / 14.5702194; 120.9916750