Pumunta sa nilalaman

Estasyon ng San Pedro

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
San Pedro
Pambansang Daambakal ng Pilipinas
Lugar ng plataporma ng kasalukuyang estasyon.
Pangkalahatang Impormasyon
Pagmamayari ni/ngPambansang Daambakal ng Pilipinas
Linya     Linyang Patimog
     Linyang Carmona (inabandona)
PlatapormaMga platapormang pagilid
Riles1
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaNasa lupa
Ibang impormasyon
KodigoSPL
Kasaysayan
Nagbukas1 Agosto 1908
Muling itinayo2015
Dating pangalanSan Pedro Tunasan
Serbisyo
Huling station   PNR   Susunod station
patungong Tutuban
Metro Commuter
patungong Calamba
  (Mga) Dating Serbisyo  
patungong Tutuban
Commuter Express
Carmona Line
patungong Carmona

Ang estasyong San Pedro ay isang estasyong daambakal sa Pangunahing Linyang Patimog o South Main Line (na tinatawag ding Linyang Patimog o Southrail) ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas. Tulad ng lahat ng mga estasyon ng PNR, nasa lupa (at grade) ang estasyon. Matatagpuan ito sa lungsod ng San Pedro, Laguna, sa loob ng kabayanan nito.

Sa kasalukuyan, may dalawang mga estasyon. Ang lumang estasyon na ginagamit ngayon bilang mga tirahan ng PNR ay dating estasyon kung saang maaaring sumakay ang mga pasahero ng mga treng patungo sa Kabikulan, patungo sa dating dulo ng Metro Manila Commuter sa mga estasyon ng Biñan at Calamba, at patungo sa dating linyang sangay papuntang Carmona. Dating may tatlong mga riles ang estasyon, ang isa ay ang pangunahing linya patimog, ang gitna ay ang tabing-riles (sidetrack), habang ang mga riles na malapit sa plataporma ay ang Linyang Carmona. Mula 2012-2013 ang mga riles ng ngayo'y abandonadong Linyang Sangay ng Carmona ay nilansag kasama ang mga tabing-riles ng estasyong San Pedro. Itinayo ang isang bagong estasyon sa isang kalapit na lokasyon malapit sa Daang San Vicente at binuksan ito noong Disyembre 2013. Kasalukuyang may anim na mga paglalakbay sa estasyong San Pedro, dalawang pahilagang lakbay papuntang Tutuban at isang patimog na lakbay papuntang Santa Rosa, isang patimog na lakbay papuntang Santa Rosa sa hapon, isang pahilagang lakbay papuntang Tutuban at isang huling lakbay sa araw papuntang Santa Rosa sa unang bahagi ng gabi.

Ang estasyong San Pedro na dating kilala bilang estasyong San Pedro Tunasan ay binuksan noong 1 Agosto 1908 bilang bahagi ng karugtong ng Pangunahing Linyang Patimog mula Muntinlupa papuntang Calamba. Huling ikinumpuni ang unang estasyon noong 1972 para sa paglunsad ng mga Serbisyong Komyuter ng Kalakhang Maynila na pinangunahan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Isang bagong estasyon na may kasamang mga nakaangat na mga plataporma na matatagpuan sa kanluran ng lumang estasyon ay binuksan noong 23 Disyembre 2013 para sa pagbubukas ng mga serbisyong pangmananakay patungong Santa Rosa. Muling binuksan ang estasyon noong 5 Oktubre 2016.

Pagkakaayos ng Estasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
L1
Mga plataporma
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kaliwa
Plataporma PNR Metro Commuter patungong Tutuban (←)
Plataporma PNR Metro Commuter patungong Mamatid (→)
L1 Lipumpon/
Daanan
Takilya, sentro ng estasyon, mga tindahan

Coordinates needed: you can help!