Etikang situwasyonal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang etikang situwasyonal ay binibigyan pansin ang partikular na konteksto ng isang gawa kapag sinusuri ito sa etikang pananaw imbis na husgahan ito sang-ayon sa lubusang pamantayang moral. Sa etikang situwasyonal, sa loob ng bawat konteksto, hindi sinusundan ang pangkalahatang batas, ngunit ang batas ng pag-ibig. Isang salitang Griyego ang ginagamit upang isalarawan ang pag-ibig sa Bibliya, ito ang "agape" na isang uri ng pag-ibig na pinapakita ang pagmalasakit sa kapwa, ang pag-iintindi sa kanila tulad ng pag-iintindi sa sarili. Sinasabing na pag-ibig na agape ay paggawa ng mabuti sa kapwa na hindi humihingi ng kapalit; ito ang pag-ibig na walang kondisyon.[1] Kabilang sa mga naunang nagsulong ng etikang situwasyonal sina Kierkegaard, Sartre, de Beauvoir, Jaspers, at Heidegger.[2]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. "Situation ethics", The American Heritage Dictionary of the English Language, Fourth Edition (2000) (sa Ingles)
  2. Mark E. Graham, Josef Fuchs on Natural Law, Georgetown University Press, 2002, p. 8 (sa Ingles