Pumunta sa nilalaman

Eugenio María de Hostos

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Eugenio María de Hostos
Kapanganakan11 Enero 1839[1]
  • (Puerto Rico, Karibe)
Kamatayan11 Agosto 1903
Trabahopedagogo, manunulat

Si Eugenio María de Hostos y Bonilla (11 Enero 1839 – 11 Agosto 1903), na kilala bilang "El Ciudadano de America"[2] (Ang Mamamayan ng mga Amerika), ay isang Portorikenyong edukador, pilosopo, intelektuwal, manananggol, sosyologo, tagapamahayag, manunulat,[3] at tagapagtaguyod ng kasarinlan.

Ipinanganak si Hostos sa Mayaguez, Portoriko. Tumanggap siya ng edukasyon mula sa Espanya. Sa Espanya niya inilathala ang La Peregrinación de Bayoán (The Pilgrimage of Bayoan sa Ingles, "Ang Pilgrimahe ni Bayoan" o "Ang Paglalakbay ni Bayoan") noong 1863. Ito ang kanyang unang mga akdang pangunahing mailalarawan na isang kathambuhay na nas anyo ng talaarawan ng bayani nito. Naging pangunahing aral o leksiyon sa sariling buhay at mga gawa ni Hostos ang pangarap ni Bayoan: ang pagkakaroon ng kalayaan o kasarinlan ng Kuba, Santo Domingo, Haiti, at Portoriko. Ito ring aral na ito ang naging dahilan kung bakit itinuturing ng mga bansang ito si Hostos bilang isang dakilang guro.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. https://en.wikipedia.org/wiki/Eugenio_Mar%C3%ADa_de_Hostos.
  2. http://www.preb.com/biog/emhostos.htm
  3. 3.0 3.1 "Eugenio María de Hostos". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na H, pahina 341.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.