Eugenio Torre
- Gumagamit ang lathalaing ito ng notasyong alhebraiko upang ilarawan ang mga galaw na pang-ahedres.
- Huwag itong ikalito kay Carlos Torre.
Si Eugenio "Eugene" Torre (ipinanganak noong 4 Nobyembre 1951) ay isang pandaigdigang granmaestro sa larangan ng ahedres. Itinuturing siya bilang pinakamatibay na manlalaro ng ahedres mula sa Pilipinas noong mga dekada ng 1980 at ng 1990, pagkaraan ng mga kampeong sina Ramon Lontoc, Renato Naranja, Rodolfo Tan Cardoso, at ng namayapa nang si Rosendo Balinas, Jr noong kapanahunang Fischer. Sa kasalukuyan, si Wesley So ang pangunahing manlalaro ng ahedres ng Pilipinas.
Naging natatangi si Torre dahil sa pagiging unang manlalarong Asyanong nakakamit ng pamagat na Pandaigdigang Granmaestro. Nakakuha na kuwalipikasyon si Torre para sa Labanan ng mga Kandidato para sa Pandaigdigang Kampeonato ng Ahedres noong 1984. Sa paunang eksenang ito, naglalaban ang mga magkakatunggali upang malaman kung sino ang hahamon o lalaban sa kampeong pangdaigdig. Natanggal si Torre nang matalo siya ni Zoltan Ribli dahil sa puntos na 6-4.
Kaibigan si Torre ni Bobby Fischer. Naghahanapbuhay siya para sa pangkat ni Fischer noong panahon ng kanyang muling paglaban kay Boris Spassky noong 1992 sa Yugoslabya. Sa paglaon, nagkaroon si Torre ng mga panayam sa radyong Pilipino na kasama si Bobby Fischer. Patuloy na masiglang naglalaro si Torre para sa mga lokal at pandaigdigang mga turnamento.
Tampok na mga laro
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa isang turnamento sa Maynila noong 1976, natalo ni Torre ang dating umiiral na kampeon ng pandaigdigang ahedres na si Anatoly Karpov sa isang larong naging bahagi ng kasaysayan ng ahedres ng Pilipinas:[1]
Karpov-Torre, Depensang Sisilyano 1.e4 c5 2.Nf3 Nc6 3.d4 cxd4 4.Nxd4 Nf6 5.Nc3 d6 6.Bg5 e6 7.Qd2 a6 8.O-O-O Bd7 9.f4 b5 10.Qe1 Nxd4 11.Rxd4 Qb6 12.Rd2 Be7 13.Bd3 b4 14.Nd1 Bb5 15.Nf2 h6 16.Bh4 g5 17.fxg5 hxg5 18.Bg3 Nh5 19.Ng4 Nxg3 20.hxg3 Rxh1 21.Qxh1 Rc8 22.Kb1 Bxd3 23.cxd3 Qd4 24.Qd1 a5 25.Nh2 g4 26.Nxg4 Bg5 27.Rc2 Rxc2 28.Kxc2 a4 29.a3 b3 30.Kb1 d5 31.exd5 Qxd5 32.Nf2 Qxg2 33.Ne4 Be3 34.Nc3 Qc6 35.d4 Qc4 36.d5 e5 37.Qh1 Qd3+ 38.Ka1 Bd4 39.Qh8+ Kd7 40.Qa8 Qf1+ 41.Nb1 Qc4 42.Qb7+ Kd6 43.Qb8+ Kxd5 44.Qd8+ Ke6 45.Qe8+ Kf5 46.Qd7+ Kg6 47.Qg4+ Kf6 48.Nc3 Qf1+ 0–1
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga kawing na panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas, Talambuhay at Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.