Euphronius ng Autun
- Huwag ikalito kay Eufronius ng Tours.
Si San Euphronius ng Autun, binabaybay ding Eufronius, (namatay pagkaraan ng 475) ay isang santo at obispo ng Autun, Gaul (Pransiya). Naging mahusay siya sa pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan ng Kristiyanismo, pati na sa mga pagtuturo ng mga Ama ng Simbahan. Naalala siya dahil sa kanyang dakilang kabanalan, katimpian, pangangaral, mga reporma sa buhay na eklesyastiko, at kasugidan para sa pagdiriwang ng banal na liturhiya. Nakilahok sa Euphronius sa pangrehiyong konsilyo o sinod ng mga obispo na ginawa sa Arles noong bandang taon ng 473. Kinondena sa sinod na ito ang Predetestinaryanismo. Humantong ang sinod sa pagwawaksi ni Lucidus, isang pari, sa kanyang pagkakamali sa pagpapakalat ng heresiyang Predetestinaryanismo. Pagkaraan, ang pagtuturo ng Simbahan laban sa heresiyang ito ay muling pinagtibay sa isang sulat na isinulat ng obispong si Faustus ng Riez at nilagdaan ng iba pa na kasama si Euphronius.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Magnificat, Tomo 11, Blg. 6 Agosto 2009, pahina 61.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.