Evelyn Trout
Si Evelyn "Bobbi" Trout (1906-2003) ay isang Amerikanang tagapanimula sa larangan ng abyasyon o pagpapalipad ng sasakyang panghimpapawid. Siya ang unang babaeng nakapagpalipad ng panghimpapawid na sasakyan sa buong gabi. Lumahok din siya sa unang Power Puff Derby ("Paligsahan ng Bugsong Lakas"), na kilala rin sa tawag na National Women's Air Derby ("Pambansang Paligsahan sa Himpapawid ng mga Kababaihan"). Isa rin si Trout sa unang mga babaeng piloto ng eruplano para sa Kagawaran ng Pulisya ng Los Angeles sa California. Nagawa ni Trout ang mga ito sa loob ng panahong may limitasyon ang lipunan at batas sa mga kababaihan. Noong 2003, namatay siya sa gulang na 97. Lumitaw ang kanyang obituwaryong naglalahad ng kanyang mga nagawa sa pahayagan New York Times ng Bagong York.[1] Nakahimlay ang mga labi ni Trout sa Liwasang Sementeryong Pang-alala ng Valhalla (Valhalla Memorial Park Cemetery), isang libingan ng mga sumakabilang buhay na nasa 10621 Buleberd ng Tagumpay (Victory Boulevard) sa Hilagang Hollywood, California.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ The Christophers (2004). "Evelyn Trout: Trailblazer". Three Minutes a Day, Tomo 39. The Christophers, Lungsod ng Bagong York, ISBN 0939055384.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina para sa Setyembre 8.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.