Halaga ng palitan
Ang halaga ng palitan (exchange rate) ay ang halaga ng dayuhang pera sa bawat yunit ng lokal na pera.[1] Mahalaga ang halaga ng palitan sa paglikha ng mga patakarang pambansa lalo na sa mga bukas na ekonomiya. Mahalaga rin ito sa paggabay ng mga kalakal-panluwas at pag-aangkat ng isang bansa.
Halimbawa, ang halaga ng piso ng Pilipinas (PHP) sa isang dolyar ng Estados Unidos (USD) sa taong 2011 ay halos P43.56 kada $1. Ang halaga naman ng piso sa isang yen ng Hapon (JPY) sa taong 2011 ay halos P0.54 kada ¥1.
Lumulutang na halaga ng palitan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang ibang mga bansa ay hinahayaang lumutang ang kanilang halaga ng palitan. Ang paraang ito ay tinatawag na lumulutang o malubay na halaga ng palitan (fixed o flexible exchange rate). Ibig sabihin nito ay pinapabayaan nila na ang pagpupuno at pangangailangan (supply and demand) ang magpasiya at magtulak ng exchange rate. Ang mga halimbawa ng mga bansa na gumagamit ng ganitong uri ng halaga ng palitan ay ang Estados Unidos, United Kingdom at Pilipinas.
Sa ilalim ng malubay na halaga ng palitan, maaaring bumababa ang halaga ng palitan. Ang pangyayaring ito ay tinatawag na depreciation (pagbaba ng halaga) kung saan bumababa ang halaga ng lokal na pera kaugnay sa pera ng ibang mga bansa. Kasalungat naman nito ang appreciation (pagtaas ng halaga) kung saan tumataas naman ang halaga ng lokal na pera kaugnay sa pera ng ibang mga bansa.
Halimbawa, kung ang halaga ng palitan ng PHP sa USD ay P43.56 at pagkatapos ng ilang mga buwan, ito ay naging 45, nagkaroon ng depreciation ang PHP sa USD. Kung mula sa P43.56 ay naging P40 naman ang halaga ng palitan, appreciation naman ang naganap.
Nakatakdang halaga ng palitan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayroong mga bansa naman na tinatakda ang kanilang halaga ng palitan. Ang bangko sentral mismo ng pamahalaan ng isang bansa ang nag-aalok na ipagpalit ang kanilang salapi para sa ibang salapi sa isang nakatakdang halaga upang mapanitili ang halaga ng palitan nito. Ang paraang ito ay tinatawag na nakatakdang halaga ng palitan (fixed exchange rate). Halimbawa, nakapako ang riyal ng Arabyang Saudi sa dolyar ng Estados Unidos. May nakatakdang halaga ng palitan naman ang euro ng Unyong Europeo (UE) sa mga dating salapi ng mga bansang-kasapi nito.
Sa ilalim ng nakatakdang halaga ng palitan, maaari ring bumababa ang halaga ng palitan. Ang pangyayaring ito ay tinatawag na devaluation (pagbaba ng halaga) kung saan bumababa ang halaga ng lokal na pera kaugnay sa pera ng ibang mga bansa. Kasalungat naman nito ang revaluation (muling pagpapahalaga) kung saan tumataas naman ang halaga ng lokal na pera kaugnay sa pera ng ibang mga bansa. Sa mga pangyayaring ito, maaari lamang magkaroon ng devaluation o revaluation kung ipapahayag ito ng pamahalaan.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Dornbucsh,R. et. al. Macroeconomics 9th Edition, McGraw Hill, 2005.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.