Pumunta sa nilalaman

Federico I, Emperador ng Banal na Imperyong Romano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Federico Barbarossa)
Federico I, Emperador ng Banal na Imperyong Romano
KapanganakanDisyembre 1122 (Huliyano)[1]
  • (Décapole, landgraviate of Upper Alsace, Austrian Circle)
Kamatayan10 Hunyo 1190 (Huliyano)[2]
MamamayanBanal na Imperyong Romano[3]
Trabahopolitiko
AsawaAdelheid ng Vohburg (1147 (Huliyano)–Marso 1153 (Huliyano))
Beatriz ng Borgoña (17 Hunyo 1156 (Huliyano)–15 Nobyembre 1184 (Huliyano))
AnakFelipe ng Suabia
Enrique VI ng Sacro Imperio Romano Germánico
Federico V ng Suabia
Federico VI ng Suabia
Conrado II ng Suabia
Oton I ng Borgoña
Magulang
  • Federico II ng Suabia
  • Judith ng Bavaria, Dukesa ng Swabia

Si Frederick I Barbarossa (Federico I Barbarroja; 1122 – 10 Hunyo 1190) ay ang Alemang Emperador ng Banal na Imperyong Romano. Nahalal siya bilang Hari ng Alemanya sa Frankfurt noon 4 Marso 1152 at kinoronahan sa Aachen noong 9 Marso 1152. Siya ay naging Hari ng Alemanya noong 1155 at kinoronahan ni Papa Adriano IV bilang Emperador ng Roma noong 18 Hunyo 1155. Pagkalipas ng dalawang mga taon, ang katagang sacrum (nangangahulugang "banal") ay unang lumitaw sa isang kasulatan na may kaugnayan sa kaniyang Imperyo.[4] Pormal din siyang kinoronahan bilang Hari ng Burgundiya sa Arles noong 30 Hunyo 1178. Nakuha niya ang pangalang Barbarossa (Barbarroja) mula sa mga hilagang lungsod ng Italya na tinangka niyang pamunuan. Ang "Barbarossa" ay nangangahulugang "pulang balbas" sa Italyano, na isang tanda ng pagkatakot at paggalang.[5] Sa Aleman, nakikilala siya bilang Kaiser Rotbart, na ganoon din ang kahulugan.

Bago siya mahalal bilang hari, siya ang Duke ng Swabia dahil sa pagkakamana mula 1147 hanggang 1152, bilang Frederick III. Siya ang anak na lalaki ni Duke Frederick II ng dinastiyang Hohenstaufen. Ang kaniyang ina ay si Judith, anak na babae ni Henry IX, Duke ng Bavaria, mula sa katunggaling Kabahayan ng Welf. Samakatuwid, si Frederick Barbarossa ay nagmula sa dalawang nangungunang mga mag-anak ng Alemanya, na nakagawa sa kaniya upang maing isang katanggap-tanggap na napili para sa mga prinsipe-elektor ng Imperyo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. https://brockhaus.de/ecs/julex/article/friedrich-friedrich-i-barbarossa.
  2. https://archive.org/details/encyclopaediabrit11chisrich/page/46/mode/2up.
  3. https://libris.kb.se/katalogisering/42gjl62n1n1zp1t; petsa ng paglalathala: 16 Oktubre 2012; hinango: 24 Agosto 2018.
  4. Peter Moraw, Heiliges Reich, nasa loob ng: Lexikon des Mittelalters, Munich & Zurich: Artemis 1977–1999, ika-4 na tomo, 2025–2028.
  5. Canduci, pahina 263


TalambuhayAlemanyaKasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Alemanya at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.