Federico II, Banal na Emperador ng Roma
Si Frederick II ng Hohenstaufen o Federico II Hohenstaufen (26 Disyembre 1194 – 13 Disyembre 1250), binabaybay ding Frederico II Hohenstaufen, ay naging Banal na Romanong Emperador (Hari ng mga Romano) magmula noong pagkakakorona sa kanya ng Santo Papa noong 1220 hanggang sa kanyang kamatayan; isa rin siyang mapagpanggap sa pamagat na Hari ng mga Romano mula 1212 at hindi kinalabang tagapaghawak ng monarkiyang iyon mula 1215. Bilang ganun, siya ang Hari ng Alemanya, Hari ng Italya, at Hari ng Burgundiya. Sa gulang na tatlo pinutungan siya ng korona bilang Hari ng Sicilia na kasamang tagapamuno ng kanyang inang si Constancia ng Sicilia, ang anak na bababe ni Roger II ng Sicilia. Ang isa pa niyang pamagat na royal ay Hari ng Herusalem sa pamamagitan ng pagkakakasal at pagiging may kaugnayan sa Pang-anim na Krusada.
Palaging nakikipagdigma laban sa mga Estadong Pangpapa ang kanyang imperyo, kaya't dalawang ulit siyang napasailalim sa ekskomunikasyon at madalas na sinisiraan ng pangalan sa mga kronikang maka-Papa noong panahong iyon. Nagpakalayu-layo pa si Papa Gregorio IX na tawagin siya bilang ang Antikristo. Subalit kilala rin si Frederick II, Banal na Romanong Emperador noong kanyang kapanahunan bilang Stupor mundi o "kahanga-hanga sa mundo" ("kamangha-mangha ng mundo") at sinasabing nakapagsasalita ng anim na mga wika: Latin, Siciliano, Aleman, Pranses, Griyego, at Arabe.[1] Sa pangkasalukuyang mga pamantayan, si Frederick II ay isang hindi pangkaraniwang masugid na patron ng agham at ng sining.
Tagapagtangkilik siya ng Paaralang Siciliano ng panulaan. Ang kanyang Sicilianong korteng royal sa Palermo, mula bandang 1220 hanggang sa kanyang kamatayan, ang nakapagmasid ng unang paggamit ng anyong pampanitikan ng isang Italo-Romanseng wika, Siciliano. Ang panulaang nagbuhat sa paaralan ay nagkaroon ng mahalagang impluwensiya sa panitikan at sa magiging makabagong wikang Italyano. Kilala ang paaralan at ang panulaan nito kay Dante at sa kanyang mga kaalinsabay at mas naunang mangyari na hindi bababa sa isang daang taon sa paggamit ng idyomang Tuskanya bilang ninanais na wika ng tangway ng Italya.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Cronica, Giovanni Villani Aklat VI e. 1. (sallinwika sa Ingles ni Rose E. Selfe)