Finished good
Ang finished good (wikang Ingles, maaring isalin sa Tagalog bilang huling produkto) ay isang uri ng produkto na dumaan sa prosesong industriyal ngunit hindi pa ito nabebenta sa mamimili.
Ang produktong binili bilang raw material (hilaw na materyal) ay magpupunta sa paggagawa ng bilihin. Ang mga produkto na bahagyang dumaan ng prosesong industriyal ay tinatawag na work in progress o ginagawa pa lamang. Kapag ang produkto ay tapos nang dumaan sa lahat ng mga proseso ngunit hindi pa ito nabenta, ito ay isang finished good.
Ito ay ang huling bahagi sa pagproproseso ng mga produkto. Ang final good ay maaari nang gamitin o ibenta. Wala nang pagproproseso na kailangan pagkatapos ng bahaging ito ng tagapagbenta. Ngunit, maaring magkaroon ng pagkakataon na ang mga finished good ng tagapagbenta ay maging mga raw material ng mamimili.