Finvenkismo
Ang Finvenkismo ay isang ideolohiya sa loob ng kilusang Esperantisto na nagsimula pa noong panahon ni Zamenhof, ang nagpasimula ng Esperanto. Ang pangalan nito ay mula sa konsepto ng Fina Venko (Tagalog: Hulíng Biktorya) na tumutukoy sa panahon kung saan ang Esperanto na ang magiging predominanteng ikalawang wika ng mundo. Ang finvenkista ay isang tao na umaasa at/o kumikilos para sa "Hulíng Biktorya" ng Esperanto. Ayon sa mga ibang mga finvekista, ang "Hulíng Biktorya" na ito ay maaaring makatulong upang puksain ang digmaan, chauvinismo, at opresyong kultural.
Kailan lang, may mga Esperantisto rin na nagkampanya upang gawing "Fina Sukceso" (Tagalog: Hulíng Tagumpay) ang "Fina Venko", dahil nakapagpaalala sa mga tao ng digmaan, ang Fina Venko tulad ng Alemang "Endsieg".