Fluorescent lamp
Ang artikulong ito ay nangangailangan pa ng mga link sa ibang mga artikulo upang makatulong isama ito sa ensiklopedya. (Hunyo 2017) |
Ang Flourescent lamp ay isang uri ng ilaw na hugis-tubo.
Kasysayan ng tubo na ilaw ng ploresante
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Alexandre E. Becquerel ang unang nagsagawa ng pananaliksik tungkol sa phenomena of fluorescence and phosphorescence. Dito niya naisip na ang pagsagawa ng imbudo o tubo ang makakatulong sa pagpapaliwanag ng paligid ng hindi pagkalat ng lason at radiation.
Ang Amerikanong si Peter Cooper Hewitt ang unang nag-patent (U.S. patent 889,692) ng prototype na mercury vapor lamp noong 1901. Ngunit ito ay hindi angkop sa pangkalakal dahil sa mahal ng sangkap nito.
Ang General Electric Company ng Amerika ang kilala sa pagsagawa at distribusyon ng incandescent bulbs o kilala bilang dilaw na bumbilya. Ang bumbilya ay imbensiyon ni Thomas Edison. Noong 1934 si Arthur Compton, isang physicist at konsultant ng GE, ay nagpahayag ng kaniyang nadiskubre sa GE lamp department tungkol sa ilang matagumpay na eksperimento tungkol sa fluorescent lighting sa General Electric Co., Ltd. ng Britanya (walang relasyon sa General Electric ng Estados Unidos). Dahil dito nagpatawag ng ang GE ng isang grupo na magsasagawa ng pananaliksik. Ito ay pinamumunuan ni George E. Inman. Sila ay nakagawa ng isang prototype fluorescent lamp noon ding 1934 sa General Electric Nela Park (Ohio) Engineering Laboratory. Binigyan ito ng patent. (U.S. Pat. No. 1,790,153). Ang Flourescent light bulb ay sinimulang ibenta noong 1938 at iprinisinta sa publiko sa New York World’s Fair at Golden Gate Exposition sa San Francisco, California.
Noong 1981, masmarami nang gusali at bahay ang gumagamit ng flourescent bulb kumpara sa bumbilya.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Agapito Flores - inaakalang gumawa ng imbudo ng flourescent light tube.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.