Pumunta sa nilalaman

Franc ng Cambodia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Franc ng Cambodia
Franc
2 Francs 1860
User(s)Cambodia Cambodia
Superunit
 5.37piastre
Subunit
 1/100centime
Perang barya
 Bihirang ginagamit1, 5, 10, 25, 50 centimes, 1, 2, 4 francs, 1 piastre

Ang franc ay ang pera ng Cambodia sa pagitan ng mga taong 1875 at 1885. Ito ay katumbas ng Pranses na franc at katulad nito ay nahahati sa 100 sentimo . Ginamit ito kasabay ng piastre (katumbas ng Mexican peso ) na may 1 piastre = 5.37 franc. Pinalitan nito ang tical at napalitan naman ng piastre . Walang namang inilabas na perang papel.

Ang mga barya ay inilabas sa mga denominasyon ng 5, 10, 25 at 50 sentimo, 1, 2 at 4 na mga franc at 1 piastre. Ang 5 at 10 sentimo ay gawa sa tanso, at ang ilang piraso naman ay sa pilak. Ang lahat ng mga barya ay may petsa ng 1860 ngunit naihulma (karamihan sa Belgium ) noong 1875. Lahat ng ito ay may larawan ni Haring Norodom . Noong mga taong 1900, ang ilan sa mga pilak na barya ay muling ginawa ngunit sa humigit-kumulang na nabawasan ng 15% ang mga timbang.

[baguhin | baguhin ang wikitext]