Frederick Douglass
Si Frederick Douglass (ipinanganak bilang Frederick Augustus Washington Bailey noong Pebrero 14, 1818 – Pebrero 20, 1895) ay isang Amerikanong abolisyonista, tagapagtaguyod ng karapatang panghalalan ng mga kababaihan, patnugot, mananalumpati, may-akda, politiko, kongresista, at repormador. Tinatawag bilang "Ang Paham ng Anakostya" at "Ang Leon ng Anakostya", isa si Douglass sa pinakakilalang mga tao sa kasaysayan ng mga Aprikanong Amerikano at Kasaysayan ng Estados Unidos. Noong 1872, siya ang naging pinakaunang Aprikanong Amerikanong naiharap o nanomina bilang kandidato sa pagka-Pangalawang Pangulo sa Estados Unidos, sa ilalim ng tiket ng Partido ng Pantay-Pantay na mga Karapatan (Equal Rights Party) sa piling ng unang babaeng tumakbo sa pagka-Pangulo ng Estados Unidos na si Victoria Woodhull.
Isa siyang matatag na taong naniniwala sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng mga tao, itim man ang kulay ng balat, babae man, Katutubong Amerikano man, o kay kamakailang mandarayo o imigrante pa lamang. Madalas niyang sabihin ang mga katagang: "Makikipagkaisa ako sa kaninuman upang makagawa ng tama at sa walang sinuman upang gumawa ng kamalian."[1]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Salin mula sa Ingles na: "I would unite with anybody to do right and with nobody to do wrong."
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.