Freestyle Script
Kategorya | Script |
---|---|
Mga nagdisenyo | Martin Wait |
Petsa ng pagkalabas | 1981 |
Ang Freestyle Script ay isang impormal na iskrip na pagpapakita na pamilya ng tipo ng titik na dinisenyo noong 1969 ni Colin Brignal at noong 1981 ni Martin Wait. Sikat ang Freestyle Script sa paggamit nito sa mga patalastas noong dekada-1980, mga kard ng kaarawan, dekoratibo, mga logo, at marami pang iba. Ang makapal na bersyon ng tipo ng titik na ito ay dinisenyo noong 1986. Ang mga tagapaglungsad nito ay ang Adobe, ITC, Monotype Imaging, Elsner+Flake, Esselte Corporation (noong taong 1997), Scangraphic Type, Linotype, Image Club, at Letraset. Ang pamilya ng tipo ng titik na ito ay may ilang bersyon: ang Regular, Bold, LT, Plain, LET, EF, SB, SH, SH Reg Alt, at SB Reg Alt.[1]
Ang tipo ng titik na Freestyle Script ay sinusuportahan ng 78 wika sa cursive (plain) at 33 wika sa iba pang estilo (Regular, Bold, Alt, etc.). Ang bersiyong Siriliko ng Freestyle Script ay nilikha noong 1993, na ang mga titik sa Siriliko ay nasa Latin supplement.[2] Ang tipo ng titik na iyo ay nasama sa MyFonts nagmula noong 2000.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Freestyle Script ay unang dinisenyo ni Colin Brignall noong 1969 at pagkatapos, si Martin Wait noong 1981 para sa bersiong regular at kursibo. Ang makapal na bersyon ay nilabas noong 1986, na ang digital na bersyon nito ay kulang sa tamang bigat. Noong 1993, ang mga pamilya ng tipo ng titik na katulad sa Freestyle Script ay ang "VI My Ha Hoa" and "VI My Ha", na lahat kapital at dinisenyo ng VISCII Fonts. Noong 2003, ang Freestyle Script ay dinagdag sa Microsoft Word, at sa mga sumunod na bersyon tulad ng Word 2007, Word 2010, Word 2013, Word 2016 at Word 2019.[3][4] Nasa ayos na TrueType ang tipo ng titik na ito.
Mga komento
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagtanggi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 19 Pebrero 2011, ipinagbawal ni Brittany Sangastiano ang paggamit ng 40 mga tipo ng titik, kasama na ang Freestyle Script na inulat ng BuzzFeed.[5]
Noong 8 Marso 2018, naipaliwanag ng isang websayt na Illumine 8 ang Freestyle Script na "ang paraan ng panloloko ng Adobe na ang tipo ng titik ay sulat-kamay at naglalabas ng pangit na paglinya". Nirangguhan ang Freestyle Script ng Illumine 8 bilang ika-labingapat na pinakapangit na sulat-kamay na tipo ng titik sa unang yugto ng pagboto.[6] Subalit, ang Freestyle Script ay hindi na sinali sa mga sumunod na mga yugto. Sa lahat ng ginagawang pagbabawal sa tipo ng titik ng Freestyle Script, ang lingid sa kaalaman ng mga nagbabawal nito, ay mayroon ding higit na magandang bersyon nito na magiging angkop sa anumang pangkaraniwang tipograpiya nito gaya ng "Plain" at iba pang kahalintulad nito. Wala pang ebidensya sa anumang eksperto tipograpiya na opisyal nang ipinagbawal na ang partikular na tipo ng titik na ito sapagkat ito ay isa lamang paninira sa orihinal na nagdidisenyo nito.
Panggagaya ng mga glipo sa ibang tipo ng titik
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dahil sa ilang pagtanggi ng mga ilang tagatipograpiya sa tipo ng titik na Freestyle Script, mayroon na ring mga gaya-gayang tipo ng titik ng Freestyle Script na lumalabag din sa karapatang-ari ng orihinal na nagdisenyo ng tipo ng titik na ito (dahil walang opisyal na permiso sa anumang kompanyang nagpapasakamay nito), gaya ng Photoshoot[7] na makikita ang ilang glipo na naging inspirasyon sa ilang teknik para sa tipo ng titik na Freestyle Script. Mayroon ding tipo ng titik na halos magkapareho ng estilo mula sa Freestyle Script na lehitimong ginawa kahit pambukas na batayan lamang, gaya ng Yellowtail.
Panggagaya ng pangalan ng tipo ng titik
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayroong isang tipo ng titik na kaligrapiyang "faux" na tinatawag na "Freestyle" (na tinawag ding "Freestyle Script")[8] na maaaring ikalito sa karamihang tagadisenyo ng grapika na gumagamit ng Microsoft upang maghanap (sa word o sa internet) o mag-download ng orihinal na tipo ng titik na iyon. Una itong itinala noong 23 Hunyo 2016, at nagkakahalaga ng higit na mababa sa US$14 o ~₱700 (na ang ginayang tipo ng titik na iyon ay US$15 o ~₱750) kaysa sa orihinal na tipo ng titik na iyon na makikita sa MyFonts. Mayroon ding isang tipo ng titik na ginamit ang parehong pangalan ("Freestyle Script" sa tipo ng titik na "brush calligraphy")[9], na maaari ring ikalito sa mga tagapagdisenyo ng grapika na gumagamit din ng orihinal na tipo ng titik nito. Subalit ang mga tagapagdisenyo, ay hindi pa sumasagot sa komento kung bakit ang pangalan ng mga tipo ng titik iyon ay pareho kaysa ipalit ito sa ibang pangalan. Sa totoo, ang tagapagdisenyo ng tipo ng titik na iyon ay nais lituhin ang mga tao na gumagamit ng orihinal na tipo ng titik na Freestyle Script upang mapabagsak ang negosyo nito sa orihinal na nagdisenyo ng tipo ng titik na yaon.
Pagtanggap
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mula sa pook-sapot na blog na The Creative Hustler: Ang Freestyle Script ay nirangguhan ng ika-29 sa pinakamagandang sulat-kamay na tipo ng titik.[10]
- Mula sa Allfonts.co: Isinama ang tipo ng titik na Freestyle Script bilang isa sa pinakamagandang tipo ng titik na sulat-kamay para sa taong 2021. Winika nito ng manunulat nito na "Hindi ito tulad ng tradisyunal na tipo ng titik na sulat-kamay, at hiwalay ang mga karakter. Ito ang sulat-kamay na tipo ng titik na makukuha ang kalahagahan ng sulat-kamay na walang hindi-kinakailangang kalabisan.[11]
Mga larawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Paghahambing ng mga bersyon ng Freestyle Script:
-
Freestyle Script Plain
-
Ispesimen ng Freestyle Script Plain
-
Freestyle Script Plain Bold
-
Freestyle Script Regular
-
Malayuang halimbawa ng paghahambing
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Freestyle Script Font Family". Fonts.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Disyembre 2018. Nakuha noong 14 Disyembre 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Team, AllFont net. "Font: Freestyle Script Normal". AllFont.net (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-11-22. Nakuha noong 2019-02-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Fonts that are installed with Microsoft Office 2010 Products". support.microsoft.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-02-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ mijacobs. "Fonts and supported products - Typography". docs.microsoft.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-02-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ deuces. "List of Banned Fonts". BuzzFeed Community (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-02-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pitzer, Erik. "Font Madness: First Round (Handwriting Region)". blog.illumine8.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Abril 2019. Nakuha noong 14 Disyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Photoshoot Font". dafont.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Hulyo 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Freestyle Font". creativefabrica.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Disyembre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Freestyle Script". textfonts.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Disyembre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "30 Best Cursive Fonts". The Creative Hustler (sa wikang Ingles). 2015-11-24. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-04-03. Nakuha noong 2019-12-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Best Cursive Fonts To Use In 2021". The Creative Hustler (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Hulyo 2021. Nakuha noong 21 Hulyo 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)