Pumunta sa nilalaman

Frédéric Cuvier

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Frédéric Cuvier
Si Frédéric Cuvier.
Kapanganakan28 Hunyo 1773(1773-06-28)
Kamatayan24 Hulyo 1838(1838-07-24) (edad 65)
NasyonalidadPranses
ParangalKasapi sa Royal Society
Karera sa agham
LaranganSoologo
InstitusyonMuséum d'Histoire Naturelle
Author abbrev. (soolohiya)F. Cuvier

Si Frédéric Cuvier (28 Hunyo 1773, Montbéliard, Doubs – 24 Hulyo 1838, Strasbourg) ay isang Pranses na soologo at naturalista. Siya ang mas nakababatang kapatid nalalaki ng kilala ring naturalista at soologo na si Georges Cuvier.

Si Frederic Cuvier ang punong tagapagpanatili o tagapangasiwa ng kuleksiyon ng mga mababangis na hayop na nakakulong (o menagerie) na nasa Muséum d'Histoire Naturelle (Museo ng Likas na Kasaysayan) sa Paris mula 1804 hanggang 1838. Siya ang nagpangalan sa pulang panda (Ailurus fulgens) noong 1825. Noong 1837, ang posisyon bilang tagapangulo (chairman o tagapangasiwa) ng pisyolohiyang komparatibo ay nilikha para sa kaniya roon sa Muséum d'Histoire Naturelle. Nahalal siya bilang kasaping dayuhan ng Royal Society noong 1835.

Nabanggit siya sa On the Origin of Species (Hinggil sa Pinagmulan ng mga Espesye) (Kabanata VII) bilang nagsagawa ng mga gawain hinggil sa mga ugali at instinkto ng mga hayop, natatangi na ang paghihiwalay o pagkakaiba sa pagitan ng kinagawian at instinkto. Nabanggit din siya sa kuwentong Moby-Dick (Kabanata 32) bilang nagsulat ng hinggil sa paksa na paukol sa mga balyena.

Bibliyograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Histoire naturelle des mammifères (4 na mga bolyum, 1819–1842) (kasama si Étienne Geoffroy Saint-Hilaire)
  • De l’histoire naturelle des cétacés. Roret, Paris 1836
  • Dictionnaire des sciences naturelles, Strasbourg & Paris, 1826


TalambuhayPransiyaSoolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Pransiya at Soolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.