Pumunta sa nilalaman

GNU Emacs

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
GNU Emacs
Kasalukuyang logo ng GNU Emacs
Kasalukuyang logo ng GNU Emacs
GNU Emacs 26.2 na tumatakbo sa GNOME 3
GNU Emacs 26.2 na tumatakbo sa GNOME 3
Orihinal na may-akdaRichard Stallman
(Mga) GumawaProyektong GNU
Unang labas20 Marso 1985; 40 taon na'ng nakalipas (1985-03-20)
Matatag na labas
30.1[1] Baguhin ito sa Wikidata / 23 Pebrero 2025
Labas na paunang tingin
30.0.93[2] Baguhin ito sa Wikidata / 19 Disyembre 2024
Repositoryo Baguhin ito sa Wikidata
Sinulat saEmacs Lisp, C[3]
Operating systemmala-Unix (GNU, Linux, macOS, mga BSD, Solaris), Windows, MS-DOS, Haiku[4]
PlatapormaNagkukrus ng plataporma
Mayroon saIngles
TipoTagapagpatnugot ng teksto
LisensiyaGPL-3.0 o mas bago
Websaytgnu.org/software/emacs/

Ang GNU Emacs ay isang text editor (o tagapagpatnugot ng teksto) at hanay ng mga libreng kasangkapan sa software. Nagsimula ang pag-unlad nito noong 1984 sa pamamagitan ng tagapagtatag ng Proyektong GNU na si Richard Stallman,[5] batay sa tagapagpatnugot na Emacs na binuo para sa mga operating system (sistemag pang-operasyon) ng Unix. Naging isang sentral na bahagi ang GNU Emacs ng proyektong GNU at isang pangunahing proyekto ng kilusang malayang software.[6][7]

Ang tagline ng programa ay "the extensible self-documenting text editor"[8] (ang napapalawig na tagapagpatnugot ng teksto na nagsusulat ng sarili). Karamihan sa mga kakayahan ng GNU Emacs ay ipinatupad sa user-accessible (nagagamit ng tagagamit) na Emacs Lisp,[9] na nagpapahintulot ng malalim na pagpapalawak nang direkta ng mga gumagamit at sa pamamagitan ng mga pakete na kontribusyon ng komunidad. Ang mga nakasamang tampok nito ay kinabibilangan ng isang file browser at editor (Dired), isang masulong na kalkulador (Calc), isang email client at tagabasa ng balita (Gnus), integrasyon ng Language Server Protocol,[10] at ang sistemang produktibo na Org-mode. Isang malaking komunidad ng mga gumagamit ang nag-ambag ng mga ekstensyon tulad ng Magit (Git interface), ang Vim emulation layer na Evil (software), ilang mga search framework, ang window manager EXWM,[11] at mga kasangkapan para sa pagtatrabaho gamit ang malawak na hanay ng mga programming language (wikang pamprograma).

Ang orihinal na EMACS ay isinulat noong 1976 nina David A. Moon at Guy L. Steele Jr. bilang isang hanay ng mga macro para sa TECO editor, at noong 1984, sinimulan ni Richard Stallman ang trabaho sa GNU Emacs upang makagawa ng malayang software na kapalit ng propiyetaryo na Gosling Emacs. Unang ibinatay ang GNU Emacs sa Gosling Emacs, subait ang pagpapalit ni Stallman ng Mocklisp interpreter (tagapagintrepreta) nito sa isang tunay na Lisp interpreter ay nagdulot na halos lahat ng kodigo nito na kailangang muling isulat. Ito ang naging unang programang inilabas ng noo’y nagsisimulang Proyektong GNU. Isinulat ang GNU Emacs sa wikang C at naglalaan ng Emacs Lisp, na ipinatupad din sa C, bilang isang wikang ekstensyon. Ang Bersyon 13, ang unang pampublikong bersyon, ay inilabas noong Marso 20, 1985. Ang unang malawakang naipamahaging bersyon ng GNU Emacs ay ang bersyon 15.34, na inilabas kalaunan noong 1985. Ang mga unang bersyon ng GNU Emacs ay may bilang na "1.x.x," kung saan ang unang tambilang ay nagpapakita ng bersyon ng C core. Ang "1" ay tinanggal matapos ang bersyon 1.12 dahil inakala na ang pangunahing numero ay hindi na magbabago, kaya ang pangunahing bersyon ay lumaktaw mula "1" sa "13". Isang bagong pangatlong numero ng bersyon ang idinagdag upang kumatawan sa mga pagbabago na ginawa ng mga sayt ng tagagamit.[12] Sa kasalukuyang sistema ng pagbilang, ang numerong may dalawang bahagi ay nangangahulugan ng isang bersyong nilabas, habang ang mga bersyong development (o ginagawa pa) ay may tatlong bahagi.[13]

Pagkatapos, na-port ang GNU Emacs sa Unix operating system. Nag-alok ito ng mas maraming tampok kaysa sa Gosling Emacs, partikular ang isang buong-tampok na Lisp bilang wikang ekstensyon, at di nagtagal ay pinalitan nito ang Gosling Emacs bilang de facto na Unix Emacs editor. Ginamit ni Markus Hess ang isang depekto sa seguridad sa email subsystem ng GNU Emacs sa kanyang katuwaang pagka-crack nooong 1986, kung saan nakuha niya ang superuser access sa mga kompyuter ng Unix.[14]

Bagamat karaniwan nang nag-aambag ang mga gumagamit ng mga patch at kodigong Elisp sa net.emacs newsgroup, ang pakikilahok sa pagbuo ng GNU Emacs ay medyo limitado hanggang 1999, at ginamit bilang halimbawa ng istilo ng pagbuo na "Cathedral" sa *The Cathedral and the Bazaar*. Mula noon, ang proyekto ay nagpatibay ng isang pampublikong mailing list para sa pagbuo at di-kilalang pagpasok s CVS. Nangyari ang pagbuo sa isang CVS trunk hanggang 2008, at gumagamit ngayon ng Git[15] na DVCS.

Si Richard Stallman ay nanatiling pangunahing tagapangasiwa ng GNU Emacs, subalit paminsan-minsan ay umatras sa tungkuling ito. Sina Stefan Monnier at Chong Yidong ang nangasiwa sa pagpapanatili mula 2008.[16] Noong Setyembre 21, 2015, inihayag ni Monnier na magbibitiw siya bilang tagapangasiwa kasabay ng feature freeze ng Emacs 25.[17] Si John Wiegley, isang matagal nang tapag-ambag, ang inihayag bilang bagong tagapangasiwa noong Nobyembre 5, 2015. Sumama kay Wiegley si Eli Zaretskii noong Hulyo 2016,[18][20] at si Lars Ingebrigtsen noong Setyembre 2020.[21]

Paglilisensya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sinasabi sa mga tuntunin ng GNU General Public License (GPL, lit. na 'Pangkalahatang Lisensyang Pampubliko') na ang pinagmulang kodigo ng Emacs, kabilang ang mga bahaging C at Emacs Lisp, ay malayang makukuha para sa pagsusuri, pagbabago, at muling pamamahagi.

Mga plataporma

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tumatakbo ang GNU Emacs sa malawak na hanay ng mga operating system, kabilang ang DOS, Windows,[22][23][24] at karamihan sa mga operating system na kahalintulad ng Unix gaya ng Linux, iba’t ibang BSD, Solaris, AIX, HP-UX, at macOS.[25][26][27] Marami sa mga sistemang mala-Unix ang may kasamang Emacs bilang default o paunang pili. Noong 2023, inilabas ang opisyal na bersyon para sa Android.[28] Tinanggal naman sa bersyon 23.1 ang suporta para sa ilang platapormang itinuturing nang lipas.[8]

Maaaring gamitin ang GNU Emacs sa parehong text terminal at graphical user interface (GUI). Sa mga sistemang kahalintulad ng Unix, maaaring gamitin ng GNU Emacs ang X Window System para lumikha ng GUI, alinman sa pamamagitan ng direktang paggamit ng mga Athena widget o gamit ang mga "widget toolkit" tulad ng Motif, LessTif, o GTK+. Maaari rin nitong gamitin ang mga likas na grapikong sistema sa macOS at Windows upang magpakita ng menubar, toolbar, scrollbar, at context menu na umaayon sa anyo at karaniwang kilos ng bawat plataporma.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Emacs 30.1 released". 23 Pebrero 2025. Nakuha noong 23 Pebrero 2025.
  2. "Emacs 30.0.93 pretest is available" (sa wikang Ingles). 19 Disyembre 2024. Nakuha noong 27 Disyembre 2024.
  3. "GNU Emacs", Analysis Summary (sa wikang Ingles), Open Hub
  4. "Emacs machines list" (sa wikang Ingles).
  5. Stallman, Richard. "The GNU Project" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2024-09-03.
  6. Fusco, John (2007-03-06). The Linux Programmer's Toolbox (sa wikang Ingles). Pearson Education. ISBN 9780132703048.
  7. Cameron, Debra; Elliott, James; Loy, Marc; Raymond, Eric; Rosenblatt, Bill (2005). Learning GNU Emacs (sa wikang Ingles). "O'Reilly Media, Inc.". ISBN 9780596006488.
  8. 8.0 8.1 "Debian – details of package Emacs in wheezy". (sa Ingles)
  9. "GNU Emacs Lisp Reference Manual". www.gnu.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-09-15.
  10. "gnu.org". www.gnu.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-09-15.
  11. Feng, Chris (27 Nobyembre 2017). "exwm: Emacs X Window Manager" (sa wikang Ingles) – sa pamamagitan ni/ng GitHub.
  12. "NEWS.1–17" (sa wikang Ingles). There is a new version numbering scheme. What used to be the first version number, which was 1, has been discarded since it does not seem that I need three levels of version number. However, a new third version number has been added to represent changes by user sites. This number will always be zero in Emacs when I distribute it; it will be incremented each time Emacs is built at another site.
  13. "GNU Emacs FAQ" (sa wikang Ingles). A version number with two components (e.g., '22.1') indicates a released version; three components indicate a development version (e.g., '23.0.50' is what will eventually become '23.1').
  14. Stoll, Clifford (1988). "Stalking the wily hacker". Communications of the ACM (sa wikang Ingles). 31 (5): 484–497. doi:10.1145/42411.42412. S2CID 6956966.
  15. "Re: GNU EMACS" (sa wikang Ingles). GNU. Nakuha noong 2014-11-16.
  16. "Re: Looking for a new Emacs maintainer or team" (sa wikang Ingles). gnu.org Mailing List. Nakuha noong 2008-02-23.; tingnan din "Stallman on handing over GNU Emacs, its future and the importance of nomenclature"
  17. "Feature freeze". lists.gnu.org (sa wikang Ingles).
  18. "Welcoming a new co-maintainer: Eli Zaretskii". lists.gnu.org (sa wikang Ingles).
  19. Free Software Awards winners announced: Eli Zaretskii, Tad (SkewedZeppelin), GNU Jami (sa wikang Ingles), Free Software Foundation, 2023-03-18, nakuha noong 2023-03-29
  20. Nag-aambag si Zaretskii sa GNU Emacs mula noong dekada 1990, at ginawaran ng Free Software Award ng 2022 ng FSF.[19]
  21. "Lars Ingebrigtsen is now one of the Emacs maintainers". lists.gnu.org (sa wikang Ingles).
  22. B, Ramprasad (2005-06-24). "GNU Emacs FAQ For Windows 95/98/ME/NT/XP and 2000" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2006-09-27.
  23. Borgman, Lennart (2006). "EmacsW32 Home Page" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-03-06. Nakuha noong 2006-09-27.
  24. "GNU Emacs on Windows" (sa wikang Ingles). Franz Inc. 2006. Nakuha noong 2006-09-27.
  25. "Emacs For Mac OS X" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-02-09.
  26. "Carbon Emacs Package" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2012-06-10.
  27. "Aquamacs is an easy-to-use, Mac-style Emacs for Mac OS X" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2006-09-27.
  28. "Emacs | F-Droid – Free and Open Source Android App Repository". f-droid.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-06-26.