Pumunta sa nilalaman

Gabinete ng Hapon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Hapon

Ang Gabinete ng Hapon(内閣 Naikaku?) ang sangay na ehekutibo ng pamahalaan ng Hapon. Ito ay binubuo ng Punong Ministro na hinirang ng Emperador pagkatapos piliin ng Pambansang Diet at hanggang mga 14 iba pang mga kasapi. Ang Punong Ministro ay pinipili ng Pambansang Diet at ang natitirang mga ministro ay hinihirang at tinatanggal ng Punong Ministro. Ang Gabinete ay sama samang responsable sa Diet at dapat magbitiw kapag ang isang mosyon ng kawalang konpidensiya ay kinuha sa Kapulungan ng mga Kinatawan. Ang modernong Gabinete ng Hapon ay itinatag noong Disyembre 1885. Ito ay pumalit sa Dajō-kan na muling pinagana pagkatapos ng pagpapanumabalik na Meiji bilang modernisadong bariasyon ng Daijō-kan na administrasyong imperyal simula panahong Nara. Ang Punong Ministro at Gabinete ay hinihirang at responsable sa Emperador. Ang sistemang Gabinete ay ipinagpatuloy sa ilalim ng Saligang Batas ng Imperyo ng Hapon noong 1889-1947. Noong pananakop na pagkatapos ng digmaan ng alyadong pinangunahan ng Estados Unidos, ang Gabinete ay nireporma at ang Saligang Batas ng Hapon ay umipekto noong 1947. Simula nito, ang Punong Ministro ay hinahalal ng Diet at ang Gabinete ay responsable sa Diet. Hapon Ang lathalaing ito na tungkol sa Hapon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.