Gabriel Daza
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Don, Ginoong Gabriel Daza | |
---|---|
Personal na detalye | |
Isinilang | Gabriel Amando Cinco Daza 6 Pebrero 1896 Borongan, Samar, Kapitaniya Heneral ng Pilipinas |
Yumao | 18 Mayo 1994 Lungsod ng Quezon, Pilipinas | (edad 98)
Kabansaan | Pilipino Amerikano |
Asawa | Angeles Ortega (k. 1922) |
Anak | 7 Tingnan ang mga anak
Beatriz Daza Orendain Gabriel Daza Jr. David Daza Rodolfo Daza Elena Daza Valenzuela Teresa Daza Baltazar Francisco Daza |
Magulang | Eugenio Daza (ama) Carolina Cinco (ina) |
Alma mater | Westinghouse Electric Co. Ateneo de Manila |
Propesyon | Negosyante Inhenyerong Elektrikal |
Kilala bilang | Miyembro ng Charter ng BSP Unang Pilipinong inhenyerong elektrikal Tagataguyod ng PLDT |
Relihiyon | Romano Katoliko |
Serbisyo sa militar | |
Katapatan | Pilipinas |
Sangay/Serbisyo | Sandatahang Lakas ng Pilipinas |
Ranggo | Kapitán |
Si Don Gabriel A. Daza, KGCR, KC*SS (Pebrero 6, 1896 – Mayo 18, 1994) ay ang unang Pilipinong inhenyerong elektrikal at isa sa mga kartang miyembro ng Kapatirang Scout ng Pilipinas (BSP). Kasama niyang itinatag ang Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT), Philippine Telegraph and Telephone Co. (PT&T), Philippine Electric Manufacturing Company (PEMCO), Phelps Dodge Philippines. Siya ang inhenyerong nangangasiwa at tagatulong na pangunahing tagapamahala ng Visayan Electric Company (VECO) at pinangunahan ang pagpapalawak nito palabas ng Lungsod ng Cebu. Naging pangulo at punong tagamanman ng BSP noong 1961–68. Noong 1945, hinirang ni Pangulong Sergio Osmeña si Daza na maging miyembro ng lupon ng mga direktor ng Manila Railroad Company at Philippine Charity Sweepstakes Office. Noong 1950, siya ay ginawang biseng tagapangulo ng National Power Corporation at sa lupon ng mga direktor ng Manila Hotel Company. Noong 1951, si Daza ay hinirang ni Pangulong Elpidio Quirino bilang isang miyembrong tagataguyod ng lupon ng mga direktor ng National Shipyard and Steel Corporation. Siya rin ay naging pangulo at direktor ng National Economic Protection Agency (NEPA) noong 1956.