Pumunta sa nilalaman

Katangahan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Gaga)
Nakaturo ang "Gaga" dito. Para sa ibang gamit, tingnan ang Gaga (paglilinaw).
Si "Tartaglia ang Utal". Isang tagapagpatawa at payaso. Isa siyang tauhan sa komedyang Italyano noong 1652.

Ang katanghan (Ingles: stutterer, stupid, simpleton[1], fool[2], idiot[3]) ay ang kakulugangan ng katalinuha], pagkaunawa, katuwiran, o talas ng isip. Tinatawag ni Walter B. Pitkin ang katangahan bilang "kasamaan," subalit sa isang mas Romantikong espiritu, naniniwala sina William Blake at Carl Jung na ina ng karunungan ang katangahan. Tumutukoy din ito sa isang taong pautal-utal kung magsalita at nalilito, partikular na kapag kinakabahan o ninenerbiyos.

Kasingkahulugan ng salitang tanga ang gago[4] [lalaki] o gaga [babae], bagaman, tinuturing itong isang mura o lapastangang salita.[5] Kung minsan, ginagamit din pamalit dito ang tange, bobo[3], estupido, at mangmang. Subalit dapat tandaan na may pagkakaiba ang isang tunay na mangmang sa isang taong hindi lang marunong sumulat at bumasa, sapagkat maaaring magkaroon ng karunungan o kaalaman ang mga hindi marunong bumasa o sumulat. Bagaman may pagkakaiba, iniiwasan ang paggamit ng mga salitang ito, sapagkat katulad ng salitang mangmang na katumbas ng illiterate sa Ingles o hindi marunong bumasa at sumulat, nagpapahiwatig din ito ng katangahan o walang kaalaman at karunungan ng isang tao. Ayon kay Juan Flavier, may taong mas gugustuhin pang matawag na ulol kesa masabihang mangmang o tanga sapagkat may kasabihan ang mga matatanda na nagpapahiwatig na "may pag-asa" pang gumaling o bumait ang mga nauulol o nababaliw, samantalang wala nang pag-asa pa ang isang tanga.[6] Kabilang pa sa mga salita o pariralang katumbas ng tanga ang mulala, lula, utu-uto, taong kulang-kulang ang pag-iisip, tanghol, tunggak, hangal, maang, gunggong (huwag ikalito sa gonggong), at pati na rin sa taong tulala.[3]

Mga sanggunian

  1. Sa Ingles: ang simpleton ay maaari ring tumukoy sa isang "payak lamang na tao".
  2. De Guzman, Maria Odulio (1968). "Gaga, simpleton, fool". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 Gaboy, Luciano L. Idiot, taong tanga, at iba pang mga salita - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  4. English, Leo James (1977). "Gago, gaga, stupid, stutterer". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. De La Cruz, Christa I. (2021-08-12). "The Filipino Swear Word Officially Defined as "Pinakamasamang Mura Laban sa Kaaway"". SPOT.PH (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-06-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Literacy, literate, illiterate, mangmang, tanga, pp. 171-172 at 204". Flavier, Juan M., "Doctor to the Barrios" (New Day Publishers). 1970.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)