Gonggong
Gonggong | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Pamilya: | Rhamphocottidae
|
Sari: | Rhamphocottus
|
Espesye: | R. richardsonii
|
Pangalang binomial | |
Rhamphocottus richardsonii Günther, 1874
|
- Tungkol ito sa isang isda, para sa katangian ng tao, tingnan ang gunggong.
Ang gonggong (Ingles: grunt sculpin o grunt-fish; pangalang pang-agham: Rhamphocottus richardsonii) ay ang nag-iisang kasapi sa pamilya ng mga isdang Rhamphocottidae. Katutubo ito sa temperadong (di-kaiinitan at di-kalamigan) pandalampasigan katubigan ng Hilagang Pasipiko, mula Hapon hanggang Alaska at sa katimugan hanggang California kung saan namumuhay ito sa mga maagos na mga labak, mabatong mga lugar, at mabuhanging ilalim sa lalim na umaabot sa 165 metro. Gumagamit ito ng mga matutulis na mga palikpik na pektoral (nasa dibdib) upang gumapang sa kalatagan ng dagat. Lumalaki ito hanggang sa 9 cm ang haba. Palagiang nangungubli ito sa mga itinapong mga bote at lata, maging sa mga walang-lamang kabibe, katulad ng sa mga dating pag-aari ng Balanus nubilis. Sa panahong ng reproduksiyon, hinahabal ng babaeng gonggong ang lalaki patungo sa butas ng isang bato at pananatilihin ng babae ang lalaki sa loob nito hanggang sa makapangitlog siya.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- "Rhamphocottus richardsonii". Integrated Taxonomic Information System. 24 Enero.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
at|year=
/|date=
mismatch (tulong) - "Rhamphocottidae". FishBase. Ed. Ranier Froese at Daniel Pauly. Pebrero 2006 bersyon. N.p.: FishBase, 2006.
- "Rhamphocottus richardsonii". FishBase. Ed. Ranier Froese and Daniel Pauly. Pebrero 2006 version. N.p.: FishBase, 2006.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.