Gagamba (komiks)
Gagamba | |
---|---|
Impormasyon ng paglalathala | |
Tagapaglathala | Ace Publications[1] |
Unang paglabas | Tagalog Klasiks, Taon 13 Blg. 324 (Disyembre 2,1961) |
Tagapaglikha | Virgilio Redondo at Nestor Redondo |
Impormasyon sa loob ng kwento | |
Ibang katauhan | Ernesto Montez |
Espesye | Tao |
Lugar ng pinagmulan | Pilipinas |
Kasaping pangkat | Palos Scorpio |
Kakayahan | Sanay na sirkero at manlalaban, May gamit na taling panghuli o lasso |
Si Gagamba (tunay na pangalan: Ernesto Montez) ay isang kathang-isip na karakter sa komiks mula sa Pilipinas na nilikha ng magkapatid na Redondo na sina Virgilio at Nestor.[2][3] Una siyang lumabas sa Tagalog Klasiks Blg. 324 noong Disyembre 2, 1961.[4] Sa kalunan, nagkaroon ng sariling titulo ang karakter na ito sa Gagamba Komiks. Ang pagkakaroon nito ng sariling titulo ay bihira lamang sa Pilipinas sapagkat karamihan na titulo ay antolohiya.[5]
Batay ang karakter sa mga pulp na Amerikanong karakter tulad nina Shadow at The Spider, isa siyang nakamaskarang sanay na manlalaban na lumalaban sa krimen. Mayroon siyang sidekick o ka-partner na si Scorpio na katulong niya sa paglaban sa krimen.
Ginampanan ng Pilipinong aktor na si Bernard Bonnin sa talong pelikula ang papel na Gagamba.[6] Sa pelikulang Palos Kontra Gagamba, parehong ginampanan ni Bonin ang papel na Palos at Gagamba.[5]
Kasaysayan ng paglathala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang lumabas ang karakter ni Gagamba sa mga serye ng kuwento sa Tagalog Komiks simula sa Taon 13 Blg. 324 noong Disyembre 2, 1961. Ang unang serye ng kuwento na pinamagatang "Bakas ng Gagamba" ay tumakbo hanggang 1962. Sumunod ang serye ng kuwento na "Palos Kontra Gagamba" na tumakbo mula 1962 hanggang 1963 na nilathala din ng Tagalog Klasiks. Mula 1963 hanggang 1964, pinagpatuloy ng Alcala Flight Komiks ang serye ng kuwento na pinamagatang "Ang Lihim ni Gagamba" at noong 1969 nagkaroon uli ng serye ng kuwento na pinamagatang "Gagamba at si Scorpio" na nilathala din ng Alcala Flight Komiks.[7]
Noong 1970, nagkaroon ng sariling magasin ang karakter na Gagamba, ang Redondo's Gagamba Komiks Magazine na nilathala ng Ares Publications, Inc. Noong 1987, pagkatapos ng mahabang panahon, lumabas muli ang karakter ni Gagamba sa Thunder Illustrated Magasin sa serye ng kuwento na "Sapot ni Gagamba" na ginuhit ni Manny Pantaleon.[7]
Sa ibang midya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Lent, John A. (2014-01-17). Southeast Asian Cartoon Art: History, Trends and Problems (sa wikang Ingles). McFarland. p. 45. ISBN 9780786475575.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Nestor Redondo". lambiek.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-06-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Nestor Redondo - Komikero Komiks Museum". komiksmuseum.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-09-14. Nakuha noong 2019-06-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Gagamba". www.internationalhero.co.uk (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-06-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 "Retro Cover Project". retrocoverproject.blogspot.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-06-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lo, Ricky (Abril 21, 2017). "The artist who drew the original Darna". philstar.com (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Nakuha noong 2019-06-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 Panganiban, Aris B. (2012-07-07). "Pinoy Superheroes Universe: SAPOT NI GAGAMBA". Pinoy Superheroes Universe (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-06-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 8.2 Video 48 (2007-11-29). "Video 48: BERNARD BONNIN AS "GAGAMBA": THE FIRST SPIDERMAN". Video 48 (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-06-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)