Pumunta sa nilalaman

Galleria Borghese

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Galleria Borghese
Galleria Borghese is located in Rome
Galleria Borghese
Likasyon ng museo sa Rome
Itinatag1903
LokasyonVilla Borghese, Roma, Italya
UriMuseong pansining
Sityogalleriaborghese.beniculturali.it

Ang Galleria Borghese (Ingles: Borghese Gallery) ay isang galeriyang pansining sa Roma, Italya, na nakalagay sa dating Villa Borghese Pinciana. Sa pangkalahatan, ang gusali ng galeriya ay kabuo ng mga hardin nito, ngunit sa ngayon ang mga hardin ng Villa Borghese ay itinuturing na isang hiwalay na atraksiyong panturista. Ang Galleria Borghese ay naglalaman ng isang malaking bahagi ng koleksiyon ng mga pinta, eskultura, at mga antigo na sinimulan ni Kardinal Scipione Borghese, ang pamangkin ni Papa Pablo V (namuno 1605–1621). Ang Villa ay itinayo ng arkitektong si Flaminio Ponzio, na pinaunlad ang mismong mga guhit ni Scipione Borghese, na ginamit ito bilang isang villa suburbana, isang villa na pangkanayunan sa gilid ng Roma.

Si Scipione Borghese ay isang maagang patron ni Bernini at isang masugid na kolektor ng mga gawa ni Caravaggio, na kinakatawn ng mga koleksiyon niya ng Batang Lalaki na may isang Basket ng Prutas, San Jeronimo na Nagsusulat, Bacchus na may Sakit at iba pa. Iba pang mga kilalang pinta ay ang Sagrado at Bastos na Pag-ibig ni Titian, ni Paglibing kay Kristo Raphael, at mga obra ni Peter Paul Rubens at Federico Barocci.

[baguhin | baguhin ang wikitext]