Pumunta sa nilalaman

Genshin Impact

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Genshin Impact
NaglathalamiHoYo
Nag-imprentaHoYoverse
CHN:miHoYo
VNM:Funtap
TWN/HKG/MAC:Nijigen Games
ProdyuserCai Haoyu[1]
Musika
  • Yu-Peng Chen
  • Dimeng Yuan
  • Qian Ding
  • Yijun Jiang
  • Xin Zhao
  • Arcangelo Chen
  • Peijia You
EngineUnity
Plataporma
Release
  • Android, iOS, PlayStation 4, Windows
  • Setyembre 28, 2020
  • PlayStation 5
  • Abril 28, 2021
DyanraLarong aksyon na may halong pagpapanggap
Modeisahang paglalaro, maramihang paglalaro

Ang Genshin Impact[a] ay isang larong aksyon na may halong pagpapanggap na binuo at nailathala ni miHoYo (na mayroon ding inilathala sa labas ng kalupaang Tsina sa ilalim ng Cognosphere, d/b/a HoYoverse). Inilabas ito para sa Android, iOS, PlayStation 4, at Windows noong 2020, at para sa PlayStation 5 noong 2021. Natatampok ang laro ng istilong anime sa kapaligirang bukas na mundo at isang nakabaseng aksiyon na sistemang labanan gamit ang mga elementong mahika at pagpapalitan ng karakter. Isang libreng laro na pinagkakakitaan sa pamamagitan ng mga mekanikong larong gacha, ang Genshin Impact ay regular na isinasapanahon habang ang laro ay ginagamit bilang isang modelo ng serbisyo.

Ang Genshin Impact ay nagaganap sa pantasyang mundo ng Teyvat, tahanan ng pitong bansa, na ang bawat isa ay nakatali sa ibang elemento at pinamumunuan ng ibang diyos (archon). Ang kwento ay sumusunod sa "Manlalakbay" (The Traveler), isang makalawakang manlalakbay na, sa simula ng laro, ay hiwalay sa kaniyang kambal na kapatid pagkatapos na ang dalawa'y mapunta sa Teyvat. Pagkatapos noon, naglakbay ang Traveller sa mga bansa ng Teyvat para hanapin ang nawawalang kapatid, kasama ang kaniyang gabay na si Paimon. Sa daan, ang dalawa ay naging magkakaibigan sa napakaraming indibidwal, nasangkot sa mga gawain ng mga bansa nito, at nagsimulang malutas ang mga hiwaga ng lupain.

Nagsimula ang pagbuo nito noong 2017 at kumuha ng inspirasyon mula sa iba't ibang larong bidyo, kabilang ang The Legend of Zelda: Breath of the Wild, mga anime, Gnostisismo, at isang hanay ng mga kultura at mitolohiya sa mundo. Ang Genshin Impact ay nakatanggap ng mga positibong pahayag mula sa mga manlalaro, kasama ng mga kritiko na sumulat ng pag-apruba sa mga mekanika ng labanan at sa nakaka-engganyong bukas na mundo nito. Sa kabaligtaran, ang ilang kritisismo ay itinuro ang pagkasimple ng pagtatapos ng laro at sa basehang gacha ukol sa paniningil ng pera nito. Ang laro ay sumailalim din sa kontrobersya ng pagsesensor (censorship) ng mga nilalaman, kung saan ito'y nauugnay sa pulitika ng bansang Tsina, mga paratang ng kolorismo sa disenyo ng mga karakter, mga paratang sekswal na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga menor de edad at mga aktor ng boses (voice actor) ng laro, at iba pang mga alalahanin sa pagsasarilinan at seguridad. Sa plataporma, ang laro ay tinatantiyang kumita ng halos $3.8 bilyon sa pagtatapos ng taong 2022, na kumakatawan sa pinakamataas na kita sa unang taon ng paglulunsad para sa anumang larong bidyo.[2][3]

  1. wikang Tsino: 原神; pinyin: Yuánshén; Pagbigkas sa wikang Hapones: Genshin; "Orihinal na Diyos, Mga pinagmulan ng Diyos, o Naunang Diyos".

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Skrebels, Joe (Oktubre 30, 2020). "Genshin Impact 1.1 Update Details Revealed, Coming November". IGN. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 25, 2020. Nakuha noong Nobyembre 9, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Astle, Aaron (Setyembre 23, 2022). "Genshin Impact surpasses $3.6 billion revenue ahead of second anniversary". PocketGamer. Nakuha noong Hulyo 29, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "凝心聚力开新局 奋勇争先创佳绩". Guangming Daily (sa wikang Tsino). 8 Hunyo 2023. p. 10. Nakuha noong 9 Setyembre 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)