George Harrison
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng maayos na salin. (Enero 2014) |
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. |
George Harrison | |
---|---|
Kabatiran | |
Kilala rin bilang | Carl Harrison L'Angelo Misterioso Hari Georgeson Nelson/Spike Wilbury George Harrysong George O'Hara-Smith |
Kapanganakan | 25 Pebrero 1943 Liverpool, Inglatera, Nagkakaisang Kaharian |
Kamatayan | 29 Nobyembre 2001 Los Angeles, California, Estados Unidos | (edad 58)
Genre | Rock, pop, psychedelic rock, experimental, world |
Trabaho | Musikero, mang-aawit-manunulat, aktor, prodyuser ng pelikula at rekord |
Instrumento | Gitara, vocals, bass, keyboards, ukulele, mandolin, sitar, tambura, sarod, swarmandal |
Taong aktibo | 1958–2001 |
Label | Parlophone, Capitol, Swan, Apple, Vee-Jay, EMI, Dark Horse |
Website | GeorgeHarrison.com |
Si George Harrison [1] MBE (25 Pebrero 1943 - 29 Nobyembre 2001)[2] ay isang Ingles na manunugtog, gitarista, mang-aawit, manunulat ng awit, aktor at prodyuser ng pelikula na naging kilala sa buong mundo bilang pangunahing gitarista ng bandang The Beatles.[3][4] Madalas na ituring bilang ang "tahimik na Beatle,"[3] naging masugid na tagasunod si Harrison ng mistisismong Indiyano at ipinakilala ito sa ibang mga Beatles, pati na rin sa kanilang mga tagapakinig.[5] Matapos maghiwalay ang banda, nagkaroon siya ng matagumpay na karera bilang isang solo artist at matapos ay naging bahagi ng grupong Traveling Wilburys, kasabay ng pagiging prodyuser ng mga pelikula at ng mga rekord. Si Harrison ay nakatala bilang ang ika-21 sa "100 Greatest Guitarists of All Time" ng magasing Rolling Stone.[6]
Kahit na karamihan ng mga kanta ng The Beatles ay isniulat/inilathala ni Lennon at McCartney, ang mga album ng The Beatles ay karaniwang nilalagyan ng isa o dalawang kanta ni Harrison mula sa album na With The Beatles.[7] Ang ilan sa mga karagdagang komposisyon niya sa The Beatles ay "Here Comes the Sun", "Something" at "While My Guitar Gently Weeps". Nang maghiwalay ang banda, maraming naipon na kanta si Harrison na hindi pa naitatala na pinalabas sa kanyang pinupuri at matagumpay na trible album na All Things Must Pass noong 1970 na sinalihan ng dalawang single: isang double A-side single "My Sweet Lord" na sinamahan ng "Isn't It a Pity" at "What Is Life". Bukod sa kanyang mga solong gawain, si harrison ay sumamang magsulat ng kanta kay Ringo Starr, isang nakaraang Beatle, pati na rin mga kanta para sa Traveling Wilburys—ang supergrupo na kanyang binuo noong 1988 na kinabibilangan din nila Bob Dylan, Tom Petty, Jeff Lynne, at Roy Orbison.
Niyakap ni Harrison ang Kalinangan ng Indiya at Hinduismo noong kalagitnaan ng 1960s at tumulong sa pagpapalawak ng Kanluraning kamalayan at pagkilala ng musikong sitar at Kilusang Hare Krishna. Sa tulong ni Ravi Shankar, bumuo ng isang malakihang kawanggawang konsiyerto na pinangalanang Konsiyerto para sa Bangladesh noong 1971.
Bukod sa pagiging musikero, siya rin ay naging prodyuser ng mga rekord at naging isa sa mga nagtatag ng kompanyang HandMade Films. Sa kanyang karera bilang prodyuser ng pelikula, nakipagtulungan siya sa iba't-ibang mga tao tulad nina Monty Python at Madonna.[8]
Dalwang beses siyang nagpakasal. Ang una ay sa isang modelong nagngangalang Pattie Boyd mula 1966 hanggang 1974 at ang ikalawa ay sa isang kalihim ng kumopanyang pang-rekord na nagngangalang Olivia Trinidad Arias na sa kanilang pagsasama ay nagkaroon siya ng isang anak na nagngangalang Dhani Harrison. Siya ay isang malapit na kaibigan ni Eric Clapton. Siya lang ang tanging Beatle na nakapaglathala ng isang autobiyograpiya noong 1980 na pinamagatang I Me Mine. Namatay si Harrison noong 2001 dahil sa kanser sa baga.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Many published sources give Harold as Harrison's middle name: Everett, The Beatles as Musicians: The Quarry Men Through Rubber Soul, p 36; The Lost Lennon Interviews, p. 246, Geoffrey Giuliano, John Lennon, Vrnda Devi, Published by Omnibus Press, 1998, ISBN 0-7119-6470-X. Others dispute that, based on the absence of any middle name on Harrison's birth certificate:("George Harrison biography". Shawstar.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Enero 2013. Nakuha noong 1 Disyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)). - ↑ Harrison, George (2002). I Me Mine. London: Phoenix. p. 20. ISBN 0-7538-1734-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Laing, Dave (30 Nobyembre 2001). "George Harrison 1943–2001". guardian.co.uk. London. Nakuha noong 27 Disyembre 2008.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The Acoustic Rock Masters, p. 23, H. P. Newquist, Rich Maloof, Backbeat Books, 2003, ISBN 0-87930-761-7
- ↑ Schaffner, The Boys from Liverpool, pp. 77–78.
- ↑ "100 Greatest Guitarists". Rolling Stone Magazine. 2003. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Nobiyembre 2010. Nakuha noong 26 Hunyo 2010.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ Handwritten Harrison Beatles lyrics up for auction, CBC Arts, 11 Enero 2007. Retrieved 13 Disyembre 2008.
- ↑ "HandMade PLC". www.handmadeplc.com. Nakuha noong 30 Oktubre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
- Articles with CANTICN identifiers
- Articles with LNB identifiers
- Articles with PortugalA identifiers
- Articles with ULAN identifiers
- Articles with Trove identifiers
- Ipinanganak noong 1943
- Namatay noong 2001
- Mga artista
- Mga manunugtog
- Mga musiko
- Mga manunulat ng awitin
- Mga Ingles
- Mga gitarista
- Mga namatay dahil sa kanser
- Mga aktor
- Mga prodyuser ng pelikula mula sa Inglatera
- The Beatles
- Mga manunulat mula sa United Kingdom