Kanser sa baga

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang kanser sa baga (Ingles: lung cancer) ay isang malignanteng pagbabago at paglaki ng mga tisyu ng baga. Nagsasanhi ito sa 1.3 milyong katao ng pagkamatay bawat taon, mas marami kesa iba pang mga kanser. Bagaman dating isang sakit na nakakaapekto sa mga kalalakihan ang kanser ng baga, mas marami kesa mga kababaihan, mas dumarami ang bilang ng mga kaso sa mga babae sa loob ng mangilan-ngilang mga dekada, na isinisisi sa pagtaas ng rasyo ng babaeng nagsisigarilyo kung ihahambing sa mga lalaking naninigarilyo. Sa kasalukuyan, nangunguna ang kanser sa baga sa nagdurulot ng kamatay sa mga kababaihan, na pumapaslang ng marami kaysa mga babaeng may kanser sa suso, kanser sa obaryo, at kanser na uterino, kapag pinagsamasama.[1] Karamihan sa mga taong nagkakaroon ng kanser sa baga ang nanigarilyo sa loob ng maraming mga tao. Subalit, may ilang mga uri ng kanser sa bagang lumilitaw sa mga malulusog na pasyenteng hindi kailanman humitit ng sigarilyo.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. "National Lung Cancer Partnership: Lung Cancer in American Women". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-07-09. Nakuha noong 2009-08-02.

KaramdamanPanggagamotKalusugan Ang lathalaing ito na tungkol sa Karamdaman, Panggagamot at Kalusugan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.