Geronimo
Si Gerónimo (Chiricahua at Mescalero-Chiricahua: Goyaałé o 'Isang Humihikab'; na karaniwang binabaybay bilang Goyathlay IPA: [kòjàːɬɛ́] o Goyahkla[1][2]) (ipinanganak noong 16 Hunyo 1829 – namatay noong 17 Pebrero 1909) ay isang kilalang pinunong Amerikanong Katutubo, subalit hindi pinuno ng tribong Apacheng Chiricahua, subalit isa siyang Apacheng Bedonkohe. Ipinanganak siya sa nakikilala sa kasalukuyan bilang ang estado ng New Mexico (Bagong Mehiko) sa Estados Unidos. Isa rin siyang iginagalang na taong manggagamot (isang uri ng salamangkero). Ang pangalang "Geronimo" ay ibinigay sa kaniya ng mga sundalong Mehikano na maaaring tumawag kay San Jeronimo habang nakikipaglaban sa kaniya o isinulat o isinalinwika ang kaniyang pangalan nang may kamalian papunta sa wikang Kastila. Namuno si Geronimo ng 38 mga lalaki, mga babae, at mga batang Apache upang tutulan ang mapapunta sa mga reserbasyon ng pamahalaan ng Estados Unidos o ang madakip ng Hukbong Mehikano. Nilabanan niya ang pagpapalawak ng Estados Unidos na sasaklaw sa mga lupain ng mga tribong Apache sa loob ng maraming mga dekada, isang kapanahunang tinawag na Mga Digmaang Apache. Pagkaraan ng isang paglusob ng isang kompanya ng mga sundalo ng Mehiko na naging dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ina, asawa at tatlong mga anak noong 1858, sumali si Geronimo sa mga paglusob nang paghihiganti laban sa mga Mehikano.[3] Noong panahon ng kaniyang larangan bilang isang pinuno ng digmaan, kilalang-kilala siya sa walang tigil na panghihikayat ng biglaang paglusob sa mga Lalawigan ng Mehiko at sa kanilang mga bayan, at sa pagdaka ay laban sa mga lugar na Amerikano (mga pook ng Estados Unidos) sa kahabaang patawid sa Arizona, New Mexico at kanlurang Texas.[4]
Sumuko siya sa mga may-kapangyarihan ng Estados Unidos noong 1886 pagkalipas ng matagal na pagtugis. Pagkalipas nito, inilipat siya sa maraming iba't ibang mga kuta sa Estados Unidos. Bilang isang bilanggo ng digmaan na nasa kaniya nang katandaan, naging bantog siya at lumitaw sa ilang mga pagtatanghal o mga "perya"[5]. Noong 1904, noong panahon ng pagtatanghal na pandaigdigan (Eksposisyon ng Pagbili sa Louisiana) na ginanap sa St. Louis, Missouri, Estados Unidos, ay nagbenta siya ng mga souvenir at mga litrato ng kaniyang sarili. Hindi siya kailanman pinayagan magbalik sa lupain ng kaniyang kapanganakan. Sa lumaon, pinagsisihan niya ang kaniyang pagsuko at nagreklamo na ang mga kondisyong ginawa niya ay binalewala ng pamahalaan ng Estados Unidos. Namatay siya noong 1909 dahil sa mga kumplikasyon ng pulmonya habang nasa Fort Sill, Oklahoma.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Mike Campbell. "Meaning, Origin and History of the Name Geronimo". Behind the Name. Nakuha noong Abril 19, 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Geronimo". National Geographic Magazine. 182: 52. 1992.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ S.M. Barrett, pat. (1909,1915). "Kas-Ki-Yeh". Geronimo's story of his life. New York: Duffield & Company. Inarkibo mula sa orihinal (Google Books) noong Abril 4, 2012. Nakuha noong May 10, 2011.
{{cite book}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ Ball, Eve "Indeh: An Apache Odyssey". University of Oklahoma Press. 1988. ISBN 0-8061-2165-3
- ↑ S.M. Barrett, pat. (1909,1915). "At the World's Fair". Geronimo's story of his life. New York: Duffield & Company. Inarkibo mula sa orihinal (Google Books) noong Abril 4, 2012. Nakuha noong May 10, 2011.
{{cite book}}
: Check date values in:|date=
(tulong)