Pumunta sa nilalaman

Geronimo B. de los Reyes, Jr.

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Geronimo B. de los Reyes, Jr. ay ang Chairman Emeritus ng Gateway Property Holdings, Inc. (GPHI), isang kompanya na nagdedevelop ng mga industriyal na lupain at ang may hawak ng kompanya ng Gateway Business Park (GBP), na kanyang itinayo noong 1989.

Binansagang Gene ng kanyang mga kasamahan, si Geronimo B. de los Reyes, Jr. ay unang nagtrabaho sa isang pang-internasyonal na kompanya ng paliparan. Nagtrabaho siya ng walang regular na oras bilang taga-dala ng bagahe, pahinante at kargador. Dala ng kanyang pagsusumikap na makapagtarabaho ng mahusay, naranasan niyang matulog sa isang karton sa sahig ng opisina sa lumang airport sa Paranaque.

Ang lahat ng mga pagsusumikap at pagtitiyaga ay nagbunga kinalaunan nang ipinagkaloob sa kanya ang kanais-nais na oras ng trabaho. Ito ay nagbibigay-daan sa kanya upang kumuha ng klase gabi upang tapusin ang kolehiyo.

Sa ngayon, si Delos Reyes ay nakapagumpisa ng 12 korporasyon na sangkot sa pangangalakal at ng mga produkto ng paggawa ng gusali, hardware, mga aksesorya, at maraming iba pa. Siya ay pumasok di sa pag-dedevelop ng lupain, konstruksiyon ng mga apartment condominium at Gateway Business Park, isang pang-industriyang lupain sa Cavite.

Ang isang pangunahing benepisyaryo ng kanyang mga tagumpay sa negosyo ay ang Geronimo B. de los Reyes Jr. Foundation, Inc., na nagpapalaganap ng edukasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga scholarship para sa mga mahihirap na bata. Ang GBR Foundation din ang sumusuporta sa pag-unlad ng mga guro at mga pag-aaral ng pananaliksik sa graduate na antas ng paaralan.

Si Delos Reyes nag-aral ng elementarya at high school sa De La Salle College. Nang magkolehiyo, kumuha siya ng kurso sa komersyo sa San Juan de Letran at nagtapos bilang magna cum laude.