Giacomo Puccini
Si Giacomo Antonio Domenico Michele Secondo Maria Puccini (Italyano: [ˈdʒaːkomo putˈtʃiːni]; 22 Disyembre 1858 – 29 Nobyembre 1924), na pangkalahatang nakikilala bilang Giacomo Puccini, ay isang Italyanong kompositor na ang mga opera ay nasa piling ng pinakamadadalas na itinatanghal sa pamantayang repertoryo.[1]
Tinawag si Puccini bilang "ang pinakamahusay na kompositor ng operang Italyano pagkaraan ni Verdi".[2] Habang ang kaniyang maaagang mga akda ay nag-ugat sa tradisyunal na romantikong opera ng Italya noong hulihan ng ika-19 daantaon, matagumpay niyang napaunlad ang kaniyang akda na nasa estilo ng 'makatotohanang' verismo, kung saan siya ay naging isa sa nangungunang mga tagapagtaguyod.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Sa loob ng seksiyon ng websayt na Operabase.com hinggil sa estadistika ng opera mula 2007 hanggang 2012, si Puccini, na mayroong mga pagtatanghal na 2,294 ng 13 mga opera, ay inihahanay bilang pangatlo na sumusunod kina Verdi (3,020 mga pagtatanghal ng 29 mga opera) at Mozart (2,410 mga pagtatanghal ng 22 mga opera). Tatlo sa mga opera ni Puccini ang nasa 10 mga nangungunang itinanghal: ang La bohème (pangalawa sa hanay), Tosca (panglima sa hanay) at Madama Butterfly (pampito sa hanay).
- ↑ Ravenni and Girardi, n.d., Introduction
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Italya at Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.