Pumunta sa nilalaman

Parsec

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Gigaparsec)
1 parsec =
Mga yunit SI
30.857×1012 km 30.857×1015 m
Mga yunit astronomikal
206.26×103 AU 3.26156 st
Kostomaryong EU / Imperyal na yunit
19.174×1012 mi 101.24×1015 tp

Ang parsec (simbolo: pc) ay isang yunit ng haba na ginagamit sa astronomiya, na may katumbas na 30.9 trilyong kilometro (19.2 trilyong milya) o 3.26 sinag-taon.

Ang pangalang parsec ay "isang pinaikling anyo ng 'isang distansiya na tumutukoy sa isang parallax ng isang arkong second (segundo)'."[1] Nakuha ito noong 1913 sa isang suwesyon ni Britong astronomer na si Herbert Hall Turner. Ang parsec ay isang distansiya mula sa Araw hanggang sa isang astronomikal na bagay na kung saan ay may anggulong parallax na isang arcsecond (13,600 ng isang degree). Sa ibang salita, isipin na isang tuwid na linya ang naguhit mula sa bagay na iyon papuntang Mundo, ang susunod na linya ay nakaguhit mula sa Mundo papunta sa Araw, at ang pangatlong linya ay nakaguhit mula sa bagay na iyon papunta sa araw na perpendikular sa linya na naguhit mula sa Mundo papuntang Araw. Ngayon, kung ang anggulong nabuo sa pagitan ng linyang naguhit mula sa bagay na iyon papunta sa Mundo at ang linyang naguhit mula sa bagay na iyon papuntang Araw ay eksaktong isang arcsecond (arkong segundo), kung gayon, ang distansiya ng bagay mula sa Araw ay magiging isang parsec.

  1. Dyson, F. W., Stars, Distribution and drift of, The distribution in space of the stars in Carrington's Circumpolar Catalogue. In: Monthly Notices of the Royal Astronomical Society, Vol. 73, p. 334–342. March 1913. [1]
    "There is a need for a name for this unit of distance. Mr. Charlier has suggested Siriometer ... Professor Turner suggests PARSEC, which may be taken as an abbreviated form of 'a distance corresponding to a parallax of one second'."

Mga kawing na panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Guidry, Michael. "Astronomical Distance Scales". Astronomy 162: Stars, Galaxies, and Cosmology. University of Tennessee, Knoxville. Nakuha noong 2010-03-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Merrifield, Michael. "pc Parsec". Sixty Symbols. Brady Haran para sa Pamantasan ng Nottingham.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.