Pumunta sa nilalaman

Gigil

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang gigil ay isang salitang Tagalog hindi maisalinwika nang tuwiran sa ibang mga wika. Inilalarawan ng salitang ito ang masidhing damdamin kapag nakaharap ka sa isang bagay o tao na nawatasan mo na napaka kaibig-ibig.[1] Ang damdamin ay karaniwang mapuspos o nakapananaig,[2] kaya’t hindi mapigilan.[3]

Isang halimbawa nang reaksiyong ito ay ang pagka nakatagpo ka ng isang batang nakakatuwa ang hitsura kung kaya't nais mo itong kurut-kurutin sa pisngi o kaya ay kagatin dahil sa kasiyahan. Bagaman mayroon itong positibong diwa, mayroon din itong negatibong konteksto. Bilang halimbawa ng negatibong diwa ay ang kapag nanggagalaiti o galit na galit ang isang tao sa isang kapwa tao, bagay, o sitwasyon. Kung minsan ang negatibong reaksiyong ito may kasamang matahimik na pagngangalit ng mga ngipin at mahigpit na pagtitiim ng mga bagang dahil sa pinipigil na emosyon na namumuo at nararamdaman sa loob ng dibdib,[1][4][5] na kinasasamahan ng pangangatal.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Gigil Naka-arkibo 2014-03-11 sa Wayback Machine., culturefried.com
  2. Gigil, tagaloglang.com
  3. Awesome Foreign Word of the Day: Gigil Naka-arkibo 2013-10-05 sa Wayback Machine., languageshellyeah.tumblr.com
  4. 4.0 4.1 Gigil Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., bansa.org
  5. GIGIL, wwword.com