Lalawigan ng Giresun
Lalawigan ng Giresun Giresun ili | |
---|---|
Lokasyon ng Lalawigan ng Giresun sa Turkiya | |
Mga koordinado: 40°34′47″N 38°35′40″E / 40.579722222222°N 38.594444444444°E | |
Bansa | Turkiya |
Rehiyon | Silangang Dagat Itim |
Subrehiyon | Trabzon |
Pamahalaan | |
• Distritong panghalalan | Giresun |
Lawak | |
• Kabuuan | 6,934 km2 (2,677 milya kuwadrado) |
Populasyon (2016)[1] | |
• Kabuuan | 444,467 |
• Kapal | 64/km2 (170/milya kuwadrado) |
Kodigo ng lugar | 0454 |
Plaka ng sasakyan | 28 |
Ang Lalawigan ng Giresun (Turko: Giresun ili) ay isang lalawigan sa Turkiya na matatagpuan sa baybayin ng Dagat Itim. Ang mga katabing lalawigan nito ay Trabzon sa silangan, Gümüşhane sa timog-silangan, Erzincan sa timog, Sivas sa timog-kanluran, at Ordu sa kanluran. Ang panlalawigang kabisera ay Giresun.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang rehiyong pang-agrikultura ang Giresun at mga mababang lugar nito, na malapit sa baybayin ng Dagat Itim. Ito ang pinakamalaking tagagawa ng mga kastanyas sa Turkiya; isang pambayang awit sa Giresun ang nagsasabing "Hindi ako kakain ng kahit isang kastanyas, maliban lamang na nasa tabi kita,"[2] habang ang isa naman ay nagsasabi ng isang mangingibig na pinatay sa ilalim ng isang puno ng kastanyas.[3]
Mga distrito
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nahahati ang lalawigan ng Giresun sa labing-anim na distrito (nasa makapal ang distritong kabisera):
- Alucra
- Bulancak
- Çamoluk
- Çanakçı
- Dereli
- Doğankent
- Espiye
- Eynesil
- Giresun
- Görele
- Güce
- Keşap
- Piraziz
- Şebinkarahisar
- Tirebolu
- Yağlıdere
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Turkish Statistical Institute, dokumentong spreadsheet' – Population of province/district centers and towns/villages and population growth rate by provinces (sa Ingles at Turko)
- ↑ bir fındığın içini yar senden ayrı yemem (sa wikang Turko)
- ↑ Giresun'un içinde yeşil fındık tarlası vurdular feride'mi yere düştü bohçası (sa Turko)