Pumunta sa nilalaman

Girls und Panzer

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Girls und Panzer
Gāruzu & Pantsā
ガールズ&パンツァー
DyanraAction
Manga
GuhitRyūichi Saitaniya
NaglathalaMedia Factory
MagasinComic Flapper
Takbo5 Hunyo 2012 – kasalukuyan
Bolyum2
Manga
Girls und Panzer: Little Army
GuhitTsuchii
NaglathalaMedia Factory
MagasinMonthly Comic Alive
TakboAgosto 2012Marso 2013
Bolyum2
Teleseryeng anime
DirektorTsutomu Mizushima
ProdyuserKiyoshi Sugiyama
IskripReiko Yoshida
MusikaShiro Hamaguchi
EstudyoActas
Inere saTokyo MX
Takbo9 Oktubre 2012 – 25 Marso 2013
Bilang12
Nobela
KuwentoYuu Hibiki
GuhitHumikane Shimada, Shin Kyougoku
NaglathalaMedia Factory
Inilathala noong22 Nobyembre 2012
Manga
Girls und Panzer: Motto Love Love Sakusen Desu!
GuhitNii-Marco
NaglathalaMedia Factory
MagasinMonthly Comic Alive
Takbo27 Mayo 2013 – kasalukuyan
 Portada ng Anime at Manga

Ang Girls und Panzer (ガールズ&パンツァー, Gāruzu ando Pantsā) ay isang anime na gawa ng Actas.[1][2] Ang anime ay idinerekta ni Tsutomu Mizushima. Si Takaaki Suzuki, na naging tagapayo sa kasaysayang militar sa mga anime na Strike Witches at Upotte!! ay nagsilbing tagapayo sa anime.[3] Unang ipinalabas ang anime sa Hapon mula Oktubre hanggang Disyembre 2012, habang dalawang karagdagang mga episode ang ipinalabas noong Marso 2013. Isang original video animation ay kasalukyukang ginagawa [4][5] Isang manga na gawa ni Ryūichi Saitaniya ay nagsimula sa mag-asin na Comic Flapper noong Noong 5 Hunyo 2012. Ipapalabas ang isang pelikula sa 2014.[6]

Ang kuwento ay nagaganap sa isang sansinukob kung saan ang mga babae ay lumalahok sa Sensha-dō (戦車道) o ang pagmamaneho ng mga tangke mula sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, bilang isang martial art. Si Miho Nishizumi, na nagkaroon ng mga masamang karanasan sa Sensha-dō ay lumipat sa Ōarai Girl's High School upang makatakas sa Sensha-dō. Gayunman, pagkatapos ng kanyang paglipat, sinimulan ng paaralan ang kanilang programang Sensha-dō, at dahil si Miho lang ang may karanasan sa pagmamaneho ng mga tangke, pinasali siya. Noong lumaon, nagsimula ulit magustuhan ni Miho ang Sensha-dō kasama ng kanyang mga bagong kaibigan na sina Saori, Hana, Yukari at Mako. Sumali sila sa isang paligsahan kung saan nilalaban nila ang mga iba't ibang paaralan.

Ang manga na Girls und Panzer: Little Army ay tungkol sa mga karanasan ni Miho sa elementarya kasama ng mga kaibigan niyang sina Emi, Hitomi at Chihiro.

Ang unang pagpapalabas ng mga unang sampung episode noon 2012 ay nakakuha ng mga magandang rating sa telebisyon[7] dahil sa mas maagang pagpapalabas, kaya mas madali siyang mapanood ng mga manonood. Naging malakas ang pagbenta ng mga Blu-ray ng anime ayon sa Oricon[8]; ang pangalawang bolyum ay nakaabot ng 24,733 mga kopya sa loob ng unang linggo ng pagbenta.[9] Ang pangatlong bolyum ay nakaabot ng 23,528 mga benta sa loob ng unang linggo ng pagbenta habang ang pang-apat na bolyum ay nakaabot ng 28,410 mga kopya.[10][11]

Ang mga laruan na base sa mga tangke na ipinakita sa mga anime ay nagkaroon ng malakas na bentahan sa Hapon.[12]

Dahil sa katanyagan ng palabas at para paunlarin ang lokal na turismo, noong 24 Marso 2013, ang bayan ng Ōarai sa Ibaraki Prefecture ay nagkaroon ng isang pagdiwang na may temang Girls und Panzer bilang parte ng kanilang taunan na piyestang tagsibol.[13]

Isang editoryal na inilatha noong 22 Enero 2013 sa China National Defense Newspaper, isang sangay ng PLA Daily, ay nagpamuna sa anime dahil sa pagpapaunlad ng "mga damdaming militarista na nagbabalatkayo bilang mga nakakatuwang karakter", ngunit ang pahayag na ito ay niloko ng mga Intsik na netizen, na karamihan ay nagduda sa tunay na layunin ng editoryal.[14]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "スタッフ" (sa wikang Hapones). Actas. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Agosto 2018. Nakuha noong 31 Mayo 2013. {{cite web}}: Unknown parameter |trans_title= ignored (|trans-title= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Girls und Panzer TV Anime Promo Streamed" (sa wikang Hapones). Anime News Network. 17 Mayo 2012. Nakuha noong 31 Mayo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Squid Girl Helmer Mizushima, Strike Witches Advisor Reveal Girls und Panzer TV Anime" (sa wikang Ingles). Anime News Network. Nakuha noong 31 Mayo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Girls und Panzer TV Anime Slated for October" (sa wikang Ingles). Anime News Network. 27 Hulyo 2012. Nakuha noong 31 Mayo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Girls und Panzer TV Anime to Debut on Oktubre 8" (sa wikang Ingles). Anime News Network. 24 Agosto 2012. Nakuha noong 31 Mayo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Girls & Panzer Anime Gets 2014 Film, New OVA, Fan Disk" (sa wikang Ingles). Anime News Network. Nakuha noong 31 Mayo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. テレビアニメ『ガールズ&パンツァー』未放送の第11話、第12話の放送日がついに決定! 一挙ライブ配信や劇場での「最終話最速」一挙上映イベント情報もお届け! Naka-arkibo 2013-10-16 sa Wayback Machine., Livedoor News
  8. 2013-02-19, Japan's Animation Blu-ray Disc Ranking, Pebrero 11-17, Anime News Network
  9. 2013-02-26, Japan's Animation Blu-ray Disc Ranking, Pebrero 18-24, Anime News Network
  10. 2013-03-27, Japanese Animation Blu-ray Disc Ranking, Marso 18-24
  11. 2013-04-30, Japan's Animation Blu-ray Disc Ranking, Abril 22-28, Anime News Network
  12. 2012-11-03, "Girls und Panzer" Storms the Plastic Model World, Crunchyroll News
  13. "Girls Und Panzer festival". 4 Abril 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-04-30. Nakuha noong 2013-05-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 2013-01-24, 中国国防报吐槽动画「少女与战车」包藏军国主义祸心 Naka-arkibo 2013-04-04 sa Wayback Machine., ACG动漫频道