Global Reciprocal Colleges
Global Reciprocal Colleges | |
---|---|
Itinatag noong | 2008 |
Uri | Pribado |
Tagapangulo | Vicente N. Ongtenco |
Lokasyon | , 14°39′00″N 120°59′02″E / 14.64987°N 120.98393°E |
Websayt | grc.edu.ph |
Ang Global Reciprocal Colleges (GRC) ay isang pribadong kolehiyo na makikita sa 9th Avenue, Lungsod ng Kalookan, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Itinatag ito noong 2008 ni Vicente N. Ongtenco,[1][2][3] isang negosyante kung saan pagmamay-ari din niya at ng kanyang pamilya ang Motortrade, isang kilalang kumpanya sa Pilipinas na nagbebenta ng motorsiklo.[4] Si Ongtenco din ang tagapangulo nito at tinutulungan siya ng kanyang mga anak sa pamamahala ng kolehiyo.[4] Itinatag niya ito upang tulungan ang mga estudyante na kulang sa pribilehiyo na makatuntong sa kolehiyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng iskolarsip at tulong pinansyal sa mga estudyanteng karapat-dapat.[1] Noong 2017, nasa pagitan ng 3,500 hanggang 4,000 ang mga mag-aaral nito kung saan mga iskolar ang 30%.[4][5]
Mga kursong inaalok
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nag-aalok ang Global Reciprocal Colleges ng mga kursong nasa ilalim ng tatlong pangkolehiyong yunit at ito ay ang Pamamahala ng Negosyo, Mga Pag-aaral sa Kompyuter at Edukasyon.[1] Mayroon din silang Programa para sa Sertipiko ng Pagtuturo.[1] Nag-aalok din sila ng mga teknikal na kursong bokasyonal na nagdadalubhasa sa mga gawaing pagsasanay sa ilalim ng kinikilalang programa ng Pangasiwaan sa Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan (TESDA).[6] Kabilang sa mga programang ito ang Bookkeeping at Pagseserbisyo ng Motorsiklo/Maliliit na Makina.[7]
Pakikipag-ugnayan sa CHED
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isa pribadong HUI (higher education institution o institusyon ng mas mataas na edukasyon) ang Global Reciprocal Colleges ayon sa Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon (CHED).[8] Kinikila ng CHED ang kanilang mga programa.[1] Noong akademikong taong 2019-2020, ayon sa CHED, isa ang GRC sa hindi nakasunod sa pagsumite ng kinakailangang pagsingil para mailabas ang mga stipend o bayad na Tertiary Education Subsidy (TES) sa mga mag-aaral.[9][10] Dahil dito, naantala ang pagproseso at pagbibigay ng mga subsidiya sa mga estudyante.[8]
Pakikipagtulungan sa ibang organisasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Motortrade kung saan pag-mamayari din ng mga Ongtenco[4] ay sinusuportahan din ang mga mag-aaral ng Global Reciprocal Colleges sa pamamagitan ng kanilang Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation (MLALAF) kung saan nagbibigay ito ng programa sa pagpapakain, pag-aaral ng Biblia, pag-abot sa pamayanan at iskolarship.[11]
Noong 2013, dinanaos ng GRC ang isang IT Week kung saan nakipagtulungan ang organisasyon na may kinalaman sa teknolohiyang pang-impormasyon tulad ng PhilIT.org, Mozilla Philippines at ang dating Wikimedia Philippines.[12][13] Naulit uli ang pakikipagtulungan noong GRC IT Week noong 2014.[14]
Palakasan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 2016, tinanghal ang mag-aaral ng GRC na si Janica Allan Zapico bilang kampeon sa dibisyon ng kakabahian mula sa 16-45 gulang para sa zumba marathon sa Laro't Saya sa Parke Summer Games ng Komisyon sa Isports ng Pilipinas.[15]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Global Reciprocal Colleges". www.edukasyon.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-09-04. Nakuha noong 2021-09-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "About Us – Global Reciprocal Colleges" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-09-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Global Reciprocal Colleges, Inc". Impact.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-09-04. Nakuha noong 2021-09-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 Logarta, Margie T. (2017-08-17). "Blissful in his universe". The Manila Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-09-04. Nakuha noong 2021-09-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Logarta, Margie (2018-04-09). "4 ways to weather time with grace and bliss". Good News Pilipinas (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-09-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "GLOBAL RECIPROCAL COLLEGES, INC". Entranceuniversity (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-09-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tesda Courses Offered Global Reciprocal Colleges Caloocan". Tesda Courses (sa wikang Ingles). 2015-02-23. Nakuha noong 2021-09-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 San Juan, Alexandria Dennise (2020-09-24). "CHED: 20 private HEIs have no billing submissions for the release of TES stipends". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-09-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Magsambol, Bonz (2020-08-19). "Stipend delayed for over 700 college students due to schools' failure to bill CHED". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-09-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "CHED calls out on remaining private colleges and universities with no TES billing submissions" (PDF). Commission on Higher Education (sa wikang Ingles). 2020-08-18. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2021-06-28. Nakuha noong 2020-09-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Motorsiklo sigurado: Limang dekada ng alagang Motortrade". Philstar.com. Pilipino Star Ngayon. 2019-08-28. Nakuha noong 2021-09-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "Wikimedia Philippines/Reports/Annual report, 2013 - Meta". meta.wikimedia.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-09-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Reyes, Robert "Bob" (2013-02-09). "Global Reciprocal Colleges IT Week 2013". Mozilla Philippines (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-09-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Wikimedia Philippines/Reports/Annual report, 2014 - Meta". meta.wikimedia.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-09-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "Teen dancer, kampeon sa PSC Zumbathon". Balita - Tagalog Newspaper Tabloid. 2016-05-09. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-09-04. Nakuha noong 2021-09-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)