Gonad
Gonad | |
---|---|
Mga pagkakakilanlan | |
FMA | 18250 |
Ang gonad ay ang organong gumagawa ng mga gameto. Ang mga gonad sa kalalakihan ay ang mga itlog ng bayag at ang mga gonad sa kababaihan ay ang mga bahay-itlog. Ang produktong gameto ay mga selulang lithayop o binhi (germ cell) na haploid. Halimbawa, ang ispermatosoon at obum (itlog) ay mga gameto. Bagamang sa agham, ang katawagang "gonad" ay maaaring tumukoy sa panlalaking gonad (testis) o kaya sa pambabaeng gonad (mga obaryo), ang gonad sa bernakular o salitang-kanto ay tumutukoy lamang sa itlog ng bayag o testis.
Regulasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga gonad ay panghormonang kinukontrol ng hormonang nagpapadilaw (luteinizing hormone o LH) at ng hormonang pang-estimula ng polikula (FSH) na kinakatas ng anteryor na glandulang pituwitaryo. Ang sekresyon o katas na ito, sa kabilang banda, ay tinatabanan naman ng hormonang naglalabas ng gonadotropin ng hipotalamus.
Pag-unlad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsisimulang umunlad ang mga gonad bilang isang pangkaraniwang anlage, sa anyo ng mga talungtong na panggonad, at sa paglaon lamang na maipagkakaiba sa panlalaki o kaya pambabaeng mga organong pangkasarian. Ang pagkakaroon ng heneng SRY, na nasa kromosomang Y at pagsasakodigo ng paktorang nagtatakda ng itlog ng bayag, ang nagtatakda ng pagkakaibang pangkasarian na panglalaki. Sa kawalan ng heneng SRY mula sa kromosomang Y, umuunlad naman ang kasariang pambabae (bahay-itlog o obaryo sa halip na itlog ng bayag o testis).
Ang pagkakaroon at pag-unlad ng mga gonad ay isang bahagi ng pag-unlad ng mga organong pang-ihi at pangreproduksiyon.