Pumunta sa nilalaman

Ebanghelyo ng mga Ebionita

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Gospel of the Ebionites)
Ang aklat na Panarion ni Epiphanius ng Salamis ang pangunahing sanggunian ng impormasyon tungkol sa Ebanghelyo ng mga Ebionita.

Ang Ebanghelyo ng mga Ebionita ang pangalang ibinigay ng mga skolar [n 1] sa isang ebanghelyo na maaaring ginamit ng isang sektang Hudyong Kristiyano na mga Ebionita. [n 2] Ang ebanghelyong ito ay sinipi sa Panarion ni Epiphanius ng Salamis na tanging sanggunian para sa ebanghelyong ito. [1] Maling tinukoy ito ni Epiphanius na isang ebanghelyong "Hebreo" na naniwalang ito ay isang pinaikli at binagong bersiyon ng Ebanghelyo ni Mateo. [2] Ang mga sipi ng ebanghelyong ito ay ipinasok sa isang polemiko ni Epiphanius upang ipakita ang mga pinaniniwalaan niyang salungatan sa mga paniniwala ng mga Ebionita. [n 3]

Ito ay pinaniniwalaang sinulat noong gitna ng ika-2 siglo CE [3] sa palibot ng rehiyong silangan ng Ilog Hordan.[n 4] Ang mga natatanging katangian ng ebanghelyong ito ang kawalan ng birheng kapanganakan at henealohiya ni Hesus, isang kristolohiyang adopsiyonista [n 5] na si Hesus ay piniling maging anak ng Diyos sa panahon ng kanyang bautismo, ang pagbuwag ng mga handog na Hudyo ni Hesus at pagtataguyod ng behetaryanismo. [n 6]

Ito ay iba mula sa ibang mga ebanghelyong Hudyong Kristiyano na Ebanghelyo ng mga Nazareno at Ebanghelyo ng mga Hebreo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Finley 2009, p. 89.
  2. Koch 1990, pp. 224–5.
  3. Cameron 1982, pp. 103–6.
  1. Cameron 1982, p. 103; The original title of the gospel is unknown.
  2. Paget 2010, pp. 325–80; Paget provides a recent scholarly review of the academic literature on the Ebionites.
  3. Finley 2009, pp. 291–3; p. 291 – "Unfortunately, Epiphanius' reliability as an historical witness is less than could be hoped. The statements he made about the Ebionites are relatively inconsistent, and cover a wide range of subjects. Epithanius did not make any statement about the Ebionites contrary to his strident sense of Nicene orthodoxy. Therefore, it seems possible that Epiphanius was merely using the Ebionites and literature that may or may not have been associated with the Ebionites to argue against all types of heretical views." p. 292 – "Epiphanius' main focus in the chapter on the Ebionites was Christological, and because of Epiphanius' efforts in support of the Nicene Christology, we should regard his statements about Ebionite Christology as particularly suspect." p. 293 – "It seems to me quite plain that Epiphanius was not attacking Jewish Christianity in Panarion 30, but instead Christological beliefs and Scriptural interpretations."
  4. Vielhauer & Strecker 1991, pp. 166–71; p. 169 – "The place of origin is uncertain. It was possibly composed in the region east of Jordan,"
  5. Kloppenborg 1994, pp. 435–9; p. 435 – "This belief, known as "adoptionism", held that Jesus was not divine by nature or by birth, but that God chose him to become his son, i.e., adopted him."
  6. Vielhauer & Strecker 1991, pp. 166–71; p. 168 – "Jesus' task is to do away with the 'sacrifices'. In this saying (16.4–5), the hostility of the Ebionites against the Temple cult is documented."