Behetaryanismo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang behetaryanismo o pagkain ng gulay lamang ay ang paniniwala na makabubuti sa kalusugan at nakapagpapahaba ng buhay ang gawaing pagkain ng maraming gulay at pag-iwas sa pagkain ng lahat ng uri karne.[1]

Hindi iminumungkahi ang mahigpit na diyetang behetaryano o makagulay dahil sa pagkakaroon ng kakulangan sa sapat na protina. Hindi naglalaman ang diyetang ito ng protinang kailangan ng katawan upang makabuo ng mga asidong amino. May mga tagapagsuring nakapagtugaygay at nakapagsaliksik na nakasasanhi ng kapansanan sa pag-iisip ang ganitong kakulangan ng protina sa diyeta at katawan. Isang solusyon sa ganitong kakulangan ang pagdaragdag ng pagkain mga itlog at gatas sa diyeta, bagaman mayroon itong isang kritisismo: na ang diyeta ay mabigat kaya't nakapagsasanhi ng pagkabanat o distensyon ng tiyan, bituka, at sikmura sa ilang mga tao. Ang kainaman ng diyetang makagulay na may itlog at karne ay nakabubuti sa mga taong may palagian o kronikong pananakit ng ulo, mga taong matataba, mga taong may konstipasyon o empatso, mga taong may gawt o piyo. at mga taong may paulit-ulit na mga kapansanan o kapinsalaan sa balat. Pero sa bandang huli, ang talagang huwarang diyeta para sa isang karaniwang tao ay ang mga lutuing pantay at sapat ang nilalamang pagkaing mula sa hayop at halaman.[2]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Gaboy, Luciano L. "Vegetarianism, behetaryanismo". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com. 
  2. Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot) (1939). "Vegetarianism". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York). , pahina 752.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.