Grand Theft Auto V
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang Grand Theft Auto V ay isang larong ginawa ng Rockstar North at inilathala ng Rockstar Games. Una itong inilabas noong Setyembre 18, 2013 para sa PlayStation 3 at Xbox 360, noong Nobyembre 18, 2014 para sa PlayStation 4 at Xbox One, at inilabas noong ika-14 ng Abril 2015 para sa Microsoft Windows.
Ang laro ay sumesentro sa tatlong kriminal na binubuo nila Michael De Santa, isang dating magnanakaw, Franklin Clinton, isang dating miyembro ng street gang at empleyado ng bilihan ng sasakyan, at si Trevor Philips, isang tulak ng pinagbabawal ng gamot at iligal na armas, at ang kanilang pakikipagsabwatan sa panloloob at pagnakaw habang sila ay sapilitang inuutos ng mga ahensya ng gobyerno na gawin ang kanilang ninaais.
Umani ng parangal ang Grand Theft Auto V dahil sa pag-gamit ng higit sa isang bida at mga pagbabago sa paglalaro, ngunit nabahiran din ito ng kontrobersiya dahil sa pagpapakita ng di-makataong pagpapahirap sa isang eksena, at ang pagtrato ng laro sa mga babae bilang isa lamang kasangkapan.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.