Pumunta sa nilalaman

Guanciale

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Guanciale
LugarItalya
Rehiyon o bansaGitnang Italya
Pangunahing SangkapPanga o pisngi ng baboy
Karagdagang SangkapAsin, asukal, espesya

Ang guanciale ay isang Italyanong produkto sa kategorya ng inasnang karne na inihanda mula sa panga o pisngi ng baboy.[1] Hinango ang pangalan nito mula sa guancia, 'pisngi'.[2] Nagpapalasa at nagpapalapot ang taba ng mga sarsa sa mga putaheng pasta.[3]

Karaniwang pinapahiran ng asin at giniling na paminta ang guanciale ng mga tagapagluto sa Roma,[4] ngunit gumagamit ng iba pang damo at pampalasa, peperoncino o pulang paminta, at kung minsan ay bawang ang ilang mga tagagawa.[3][5] Pinepreserba ito sa asin ng tatlong linggo o hanggang mawala ang halos 30% ng orihinal na timbang nito. Mas matapang ang lasa nito kumpara sa mga ibang produktong baboy, tulad ng pancetta, at mas pino ang tekstura nito. Natutunaw ang taba kapag niluto ang karne.

Maaaring hiwain ang guanciale at kumain ng kaunti nito mismo, ngunit kadalasan itong isinasahog sa mga putaheng pasta[4] tulad ng spaghetti alla carbonara at mga sarsa tulad ng sugo all'amatriciana.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. De Vita, Oretta Zanini; Fant, Maureen B. (2013). Sauces & Shapes: Pasta the Italian Way [Mga Sarsa & Hugis: Pasta sa Italyanong Paraan] (sa wikang Ingles). W. W. Norton & Company. p. 33. ISBN 978-0-393-24151-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Cotto, Andrew (10 Nobyembre 2010). "Italy's Ultimate Answer to Bacon: Guanciale" [Pinakamagandang Sagot ng Italya sa Bacon: Guanciale]. Salon (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Enero 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Parla, Katie; Gill, Kristina (2016). Tasting Rome: Fresh Flavors and Forgotten Recipes from an Ancient City: A Cookbook [Pagtitikim ng Roma: Mga Sariwang Lasa at Nakalimutang Resipi mula sa isang Sinaunang Lungsod: Isang Aklat Panluto] (sa wikang Ingles). Clarkson Potter/Ten Speed. pp. 81–82. ISBN 978-0-8041-8718-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Ruhlman, Michael; Polcyn, Brian (2012). Salumi: The Craft of Italian Dry Curing [Salumi: Ang Italyanong Sining ng Tuyong Pag-aasin] (sa wikang Ingles). New York: W. W. Norton & Company. pp. 87–89. ISBN 978-0-393-06859-7. OCLC 829279722.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Downie, David (2009). Food Wine Rome [Pagkain Alak Roma] (sa wikang Ingles). New York Review of Books. p. 8. ISBN 978-1-892145-71-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Carnacina, Luigi; Veronelli, Luigi (1977). "Vol. 2, Italia Centrale". La cucina Rustica Regionale. Rizzoli. OCLC 797623404.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) republication of La Buona Vera Cucina Italiana, 1966.