Pumunta sa nilalaman

Gumamela

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Gumamela
Isang pulang bulaklak ng gumamela sa Yercaud, Indiya
Klasipikasyong pang-agham e
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Rosids
Orden: Malvales
Pamilya: Malvaceae
Tribo: Hibisceae
Sari: Hibiscus
L.
Mga uri

Mahigit sa 200 mga uri

Ang gumamela, hibisko[1], o mababaw[2], may pangalang pang-agham na Hibiscus[3] (Ingles: rosemallow; Kastila: flor de Jamaica) ay isang sari ng mga halamang may mga kasaping uri na kalimitang itinatangi dahil sa kanilang kapansin-pansing mga bulaklak. Tinatawag din silang bulaklak ng Hamayka. Kabilang sa malaking saring ito ang mga nasa 200–220 mga uri ng halamang namumulaklak sa loob ng pamilyang Malvaceae, na katutubo sa maligamgam, hindi gaanong kalamigan o hindi kainitan, subtropikal, at tropikal na mga rehiyon sa buong mundo. Kabilang din sa sari ang mga taunan at pangmatagalan o perenyal na mga mayerbang mga halaman, pati na ang makahoy na mga palumpong at maliliit na mga puno.

Hibiscus Flowers
Gumamela sa Minalabac, Camarines Sur
Rosas na Gumamela

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Hibiscus - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Blake, Matthew (2008). "Hibiscus, mababaw, gumamela". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa Hibiscus Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine..
  3. Sunset Western Garden Book, 1995:606–607.


HalamanBulaklakPuno Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman, Bulaklak at Puno ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.