Hagibis (komiks)
Si Hagibis ay isang karakter sa komiks na kinatha ni Francisco V. Coching noong 1947 na tinaguriang "Tarzan ng Pilipinas." Ito ang isa sa mga unang karakter na bayani sa kasaysayan ng komiks sa Pilipinas. Nilikha ito ni Coching, na tinagurian bilang ang "ama" o "lolo" ng Pilipinong komiks, bilang parang si Tarzan[1] at ang anyo ni Hagibis ay batay din sa isa pang bayani sa komiks na si Kulafu na nilikha ng isa pang tagapanguna sa komiks sa Pilipinas na si Francisco Reyes.[2] Isa ang Hagibis sa naging matagal na tumakbong serye ng mga kuwento sa kasaysayan ng Pilipinong komiks, na umabot sa labing-limang taon sa mga pahina ng magasin na Liwayway.[2] Isang halimbawa ng kuwento tungkol kay Hagibis na lumabas sa magasin na Liwayway ang Si Hagibis sa Ibang Daigdig.[3] Ang mga karugtong na serye ng mga kuwento sa komiks ay ang Anak ni Hagibis at Si Gat Sibasib.[2] Nagawan sa kalaunan sa pelikula ang Hagibis[4] at ginampanan ni Fernando Poe, Sr. ang papel na Hagibis.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "1950 Hagibis by Francisco V. Coching (sa Ingles)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-09-28. Nakuha noong 2019-06-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 Featuring Great Achievers in Philippine Art (comics) - (sa Ingles)
- ↑ pahina ng Coching HAGIBIS mula sa Liwayway (1948)
- ↑ "Francisco V. Coching". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-23. Nakuha noong 2019-06-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)