Pumunta sa nilalaman

Fernando Poe, Sr.

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Fernando Poe, Sr.
Kapanganakan27 Nobyembre 1916
  • (Pangasinan, Ilocos, Pilipinas)
Kamatayan23 Oktubre 1951
LibinganSementeryo Norte ng Maynila
MamamayanPilipinas
Trabahoartista, direktor ng pelikula, prodyuser ng pelikula, manunulat
AnakFernando Poe
Andy Poe
Conrad Poe

Si Fernando Poe, (27 Nobyembre 1916 – 23 Oktubre 1951) ay isang Pilipinong Aktor noong bago pa magkadigmaang Pandaigdig. Ipinaganak si Poe noong 27 Nobyembre 1916. Siya ang ama ng isa pang hari ng aksiyon na si Fernando Poe, Jr. (Ronald Allan K. Poe), at mga aktor na sina Andy Poe (Fernando K. Poe II) at Freddieboy Poe (Fredrick K. Poe). Siya ay ikinasal kay Elizabeth Kelly. Kilala rin si Poe sa pangalang Fernando Poe, Sr., dahil sa kasikatan ng anak na Fernando Poe, Jr. Ang tunay na pangalan ni Poe ay ibinigay ng mga taga-balita bilang Allan Fernando Poe (or Allan F. Poe)[1][2], Fernando Reyes Poe (Fernando R. Poe)[3], o Allan Fernando Reyes Poe.

Nagka-anak rin si Fernando Poe kay Patricia Mijares, ang aktor na si Conrad Poe

Una niyang pelikula ay ang Ang Birheng Walang Dambana na nasundan ng isang katatakutang pelikulang Bakas ng Kalansay.

Naging bida siya at iyon ay ang pelikula noong 1937 ang unang bersyon ng Zamboanga. Gumawa rin siya sa X'Otic Pictures at iyon ay ang mga Punit na Bandila, Leron-Leron Sinta at Hatol ng Mataas na Langit.

Noong 1938 ginawa niya ang isang Musikal na Ang Maya kung saan ginamit niya ang sariling boses sa pelikula.

Unang pelikula niya sa LVN Pictures ay ang Giliw ko kung saan nakatambal niya si Mona Lisa na nasundan ng Mabangong Kandungan at kasama rin siyang gumawa ng isang pelikula sa kasagsagan ng Digmaang Hapones ang Liwayway ng Kalayaan.

Taong 1941 ng una niyang itatag ang sarili niyang produksiyon ang Palaris Pictures na ang unang pelikula ay Palaris na nagkaroon ng karugtong ang Awit ni Palaris noon namang 1946.

Una niyang idinihe ang Dugo ng Bayan na isang Pelikulang Digmaan at itinatag din niya sa ikalawang pagkakataon ng kanyang sariling produksiyon ang Royal Films kung saan pinagbidahan ni Rosa del Rosario ang Darna.

Siya ay namatay noong 23 Oktubre 1951, dahil sa inpeksiyong dulot ng Rabis.

  1. "...indicated that (Ronald Allan Poe's) parents are Allan F. Poe and Bessie Kelley". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-08-04. Nakuha noong 2008-06-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "...no available information could be found in the files of the National Archives regarding the birth of Allan F. Poe....records of birth in (the City Civil Registrar of San Carlos City, Pangasinan) during the period of from 1900 until Mayo 1946 were totally destroyed during World War II..." Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-06-15. Nakuha noong 2008-06-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. The document (Affidavit for Philippine Army Personnel, 22 Disyembre 1947), signed by “Fernando R. Poe” states, among others, the names of the signatory’s children, namely Elizabeth, Ronald Allan, and Fernando II[patay na link]