Pumunta sa nilalaman

Tawa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Hagikgik)
Isang bata na tumatawa
Isang tinig ng babaeng tumatawa

Ang tawa ay isang kaaya-ayang pisikal na reaksyon at emosyon na karaniwang binubuo ng malaritmo, kadalasang maririnig na mga kontraksyon ng bamban at iba pang bahagi ng sistemang respiratoryo. Ito ang tugon sa ilang panlabas o panloob na estimulo. Maaaring magbunsod ng tawa ang mga aktibidad tulad ng kiliti,[1] o mula sa mga nakakatawang kuwento, imahe, bidyo o kaisipan.[2] Kadalasan, itinuturing ito na ekspresyong pandinig ng ilang positibong estadong emosyonal, gaya ng kagalakan, saya, kaligayahan, o kaginhawaan. Sa ilang pagkakataon, gayunpaman, maaaring sanhi ito ng salungat na emosyonal na mga estado tulad ng kahihiyan, sorpresa, o pagkalito tulad ng nerbiyos na pagtawa o tawang kortesiya. Ang edad, kasarian, edukasyon, wika, at kultura ay pawang mga tagapagpahiwatig[3] kung ang isang tao ay makakaranas ng pagtawa sa isang partikular na situwasyon. Maliban sa mga tao, ang ilang iba pang mga espesye ng primates (chimpanzee, gorilya at orangutan) ay nagpapakita ng mga boses na parang tawa bilang tugon sa pisikal na pakikipag-ugnayan tulad ng pakikipagbuno, paglalaro ng habulan o kiliti.

Ang tawa ay isang bahagi ng pag-uugali ng tao na kinokontrol ng utak, na tumutulong sa mga tao na linawin ang kanilang mga intensyon sa pakikipag-ugnayan sa lipunan at nagbibigay ng emosyonal na konteksto sa mga pag-uusap. Ginagamit ang pagtawa bilang isang senyales para sa pagiging bahagi ng isang pangkat—nagpapahiwatig ito ng pagtanggap at positibong pakikipag-ugnayan sa iba. Nakikitang minsan na nakakahawa ang pagtawa, at maaaring magdulot ang pagtawa ng isang tao ng pagtawa mula sa iba bilang positibong tugon.[4][5][6][7]

Ang pag-aaral ng katatawanan at pagtawa, at ang sikolohikal at pisyolohikal na epekto nito sa katawan ng tao, ay tinatawag na helotolohiya.

Ang pagtawa ay maaaring isipin bilang isang naririnig na pagpapahayag o pagpapakita ng kasabikan, isang panloob na pakiramdam ng kagalakan at kaligayahan. Maaari itong magmula sa mga biro, pangingiliti, at iba pang mga estimulo na ganap na walang kaugnayan sa sikolohikal na kalagayan, tulad ng oksido nitroso. Isang grupo ng mga mananaliksik ang nag-isip na ang mga ingay mula sa mga sanggol na kasing aga ng 16 na araw ay maaaring mga boses na tumatawa o tawa.[8] Gayunpaman, sumusuporta ang bigat ng ebidensya sa paglitaw ng gayong mga tunog sa gulang na 15 linggo hanggang apat na buwan.

Sinabi ng mananaliksik ng tawa na si Robert Provine: "Ang pagtawa ay isang mekanismo na mayroon ang lahat; ang pagtawa ay bahagi ng unibersal na bokabularyo ng tao. Mayroong libu-libong mga wika, daan-daang libong mga diyalekto, subalit nagsasalita lahat ng tawa sa halos parehong paraan." May kakayahang tumawa ang mga sanggol bago sila magsalita. Ang mga batang ipinanganak na bulag at bingi ay nananatili pa rin ang kakayahang tumawa.[9]

Ang ugnayan sa pagitan ng pagtawa at malusog na paggana ng mga daluyan ng dugo ay unang iniulat noong 2005 ng mga mananaliksik sa Unibersidad ng Sentrong Medikal ng Maryland na sinasabi na nagdudulot ang pagtawa ng paglawak ng panloob na paglilinya ng mga daluyan ng dugo, ang endoteliyo, at nagpapataas ng daloy ng dugo.[10] Sinabi ni Dr. Sina Michael Miller (Universidad ng Maryland) at William Fry (Stanford) na may teorya na ang mga parang beta-endorpormina na kompuwesto na inilabas ng hipotalamo ay pinapagana ng mga reseptor sa ibabaw ng endoteliyal upang palabasin ang oksido nitriko, na nagreresulta sa pagluwang ng mga sisidlan. Ang iba pang mga katangian ng kardiyoprotektibong oksido nitriko ay ang pagbabawas ng pamamaga at pagbaba ng agregasyon ng plaketa.[11]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Stearns, Frederic Rudolph (1972). Laughing: Physiology, Pathology, Psychology, Pathopsychology and Development (sa wikang Ingles). Springfield, Ill., Thomas. pp. 59–65. ISBN 978-0398024208.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Shultz, T. R.; Horibe, F. (1974). "Development of the appreciation of verbal jokes". Developmental Psychology (sa wikang Ingles). 10: 13–20. doi:10.1037/h0035549.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Olmwake, Louise (1937). "A study of sense of humor: Its relation to sex, age and personal characteristics". Journal of Applied Psychology (sa wikang Ingles). 45 (6): 688–704. doi:10.1037/h0055199.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Camazine, Deneubourg, Franks, Sneyd, Theraulaz, Bonabeau, Self-Organization in Biological Systems, Princeton University Press, 2003. ISBN 0-691-11624-5ISBN 0-691-01211-3 (pbk.) p. 18. (sa Ingles)
  5. Blumer, Herbert (1998). "Society as Symbolic Interaction". Symbolic Interactionism: Perspective and Method (sa wikang Ingles). Berkeley and Los Angeles, CA: University of California Press. p. 84. ISBN 978-0-520-05676-3. group action is the collective action of such individuals ['who fit their respective lines of action to one another through the process of interpretation']...the individuals composing...the group become 'carriers,' or media for the expression of such forces; and the interpretative behavior by means of which people form their actions is merely a coerced link in the play of such forces.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Durkheim, Émile (1979). "Imitation". Suicide: A Study in Sociology [Étude de sociologie] (sa wikang Ingles). Sinalin ni Spaulding, John A.; Simpson, George. New York, NY: THE FREE PRESS. pp. 125, 129. ISBN 978-0-684-83632-4. Thus we yawn, laugh, weep, because we see someone yawn, laugh or weep...The name of imitation must then be reserved solely for such facts if it is to have clear meaning, and we shall say: Imitation exists when the immediate antecedent of an act is the representation of a like act, previously performed by someone else; with no explicit or implicit mental operation which bears upon the intrinsic nature of the act reproduced intervening between representation and execution.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Bergson, Henri (26 Hulyo 2009). "The Comic in General—The Comic Element in Forms and Movements—Expansive Force of the Comic". Laughter: an Essay on the Meaning of the Comic (sa wikang Ingles). Sinalin ni Brereton L. ES L., M.A., Cloudesley; Rothwell B.A., Fred. Project Gutenberg. Laughter appears to stand in need of an echo, Listen to it carefully: it is not an articulate, clear, well-defined sound; it is something which would fain be prolonged by reverberating from one to another, something beginning with a crash, to continue in successive rumblings, like thunder in a mountain. Still, this reverberation cannot go on for ever. It can travel within as wide a circle as you please: the circle remains, none the less, a closed one.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Kawakami, Kiyobumi; Takai-Kawakami, Kiyoko; Tomonaga, Masaki; Suzuki, Juri; Kusaka, Tomiyo; Okai, Takashi (2006). "Origins of smile and laughter: A preliminary study" (PDF). Early Human Development (sa wikang Ingles). 82 (1): 61–66. doi:10.1016/j.earlhumdev.2005.07.011. PMID 16185829. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2011-09-28.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Gervais, Matthew; Sloan Wilson, David (2005). "The Evolution and Functions of Laughter and Humor: A Synthetic Approach". Quarterly Review of Biology (sa wikang Ingles). 80 (4): 395–430. doi:10.1086/498281. PMID 16519138.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Miller, M; Mangano, C; Park, Y; Goel, R; Plotnick, GD; Vogel, RA (2005). "Impact of cinematic viewing on endothelial function". Heart (sa wikang Ingles). 92 (2): 261–2. doi:10.1136/hrt.2005.061424. PMC 1860773. PMID 16415199.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Vlachopoulos, C; Xaplanteris, P; Alexopoulos, N; Aznaouridis, K; Vasiliadou, C; Baou, K; Stefanadi, E; Stefanadis, C (2009). "Divergent effects of laughter and mental stress on arterial stiffness and central hemodynamics". Psychosom. Med. (sa wikang Ingles). 71 (4): 446–53. doi:10.1097/PSY.0b013e318198dcd4. PMID 19251872.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)