Haile Selassie
Itsura
Si Haile Selassie I ng Etiyopiya (23 Hulyo 1892 – 26 Agosto 1975[1]), kilala rin bilang Ras Tafari Makonnen, ay isang dating Emperador ng Etiyopiya.[2]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak siya sa Harar, Etiyopiya. Sa panahon ng kanyang mahabang pamumuno, nagdala siya ng maraming mga reporma o pagbabagong panglipunan. Napilitan siyang lumikas mula sa Etiyopiya noong panahon ng Digmaang Italyano noong 1936. Naibalik siya sa trono nang magapi ang mga Italyano sa Etiyopiya noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sa taong 1941. Pinatalsik siya mula sa kapangyarihan noong 1974, sa pamamagitan ng isang komiteng militar.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ britannica.com
- ↑ 2.0 2.1 "Haile Selassie I, Ras Tafari Makonnen". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na H, pahina 317.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Etiyopiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.