Pumunta sa nilalaman

Hakaw

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hakaw
Ibang tawagHar gow, xia jiao, binabaybay ring ha gau, ha gaau, ha gao, ha gow, o iba pang mga baryante, "há cảo" sa Biyetnames
KursoDim sum
LugarGuangdong, Tsina
Rehiyon o bansarehiyong nagsasalita ng Kantones
Pangunahing SangkapGawgaw de-trigo, gawgaw de-balinghoy, hipon, nilutong taba ng baboy, labong, iskalyon, gawgaw, langis ng linga, toyo, asukal, at iba pang rekado

Ang hakaw (Tsino: 蝦餃; Jyutping: haa1 gaau2; Cantonese Yale: hā gáau; pinyin: xiājiǎo; lit.: "hipong jiao") ay isang tradisyonal na Kantones na dumpling na inihahain bilang dim sum.[1]

Madalas na pinapares ang ulam na ito sa siyomay; kapag inihain sa ganoong paraan sama-samang tinutukoy ang dalawang pagkain bilang har gow - siu mai (Tsino: 蝦餃燒賣; pinyin: xiājiǎo shāomài; Jyutping: haa1 gaau2 siu1 maai2; Cantonese Yale: hā gáau sīu máai).[2]

Kinokonsidera ang hakaw, siyomay, cha siu bao, at tarta de-itlog bilang ang mga klasikong pagkain ng lutuing Kantones at Ang Apat na Haring Makalangit (Tsino: 四大天王; pinyin: sì dà tiān wáng; Cantonese Yale: sei daaih tīn wòhng) ang tawag sa mga ito.[3][4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Hsiung, Deh-Ta. Simonds, Nina. Lowe, Jason. [2005] (2005). The food of China: a journey for food lovers [Ang pagkain ng Tsina: isang paglalakbay para sa mga adik sa pagkain] (sa wikang Ingles). Bay Books. ISBN 978-0-681-02584-4. p41.
  2. Big5.China.com.cn. "China.com.cn." 廣州茶飲. Nakuha noong 2009-03-17.
  3. Talks, Honest Food (2020-02-05). "Dim Sum, a Beginner's Guide to the Cantonese Cuisine" [Din Sum, isang Gabay Pambaguhan sa Lutuing Kantones]. Honest Food Talks (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-10-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "广州早茶"四大天王"有哪些?". www.sohu.com. Nakuha noong 2020-10-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)