Halaga ng pagkakataon
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang halaga ng pagkakataon (opportunity cost sa Ingles) ay ang halaga na ipinapataw sa isang bagay kapalit ng isa pang bagay para sa may pinagpipilian na hindi magkakaugnay na mga bagay. Ito ay isang mahalagang konsepto sa ekonomika. Ang ideya ng halaga ng pagkakataon ay may malaking importansiya para siguraduhin na ang mga mahirap na makuhang yaman ay magagamit ng mas epektibo. Hindi ang halaga ng pera ang itinutumbas sa halaga ng pagkakataon kung hindi ay ang tunay na halaga; ang halaga na hindi mo nakuha, ang oras na hindi na maibabalik, ang tuwa o kahit ano pang magandang bagay na maidudulot nito sayo; ay pwedeng gamitin na basehan para sa halaga ng pagkakataon.
Mga halimbawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- May isang tao na may P 100. Ang maaring niyang bilhin sa P100 na iyon ay isang CD o isang T-shirt. Ang halaga ng pagkakataon ng isang CD ay isang T-shirt at ang halaga ng pagkakataon ng isang T-shirt ay isang CD. Kung mas marami sa dalawa ang pagpipilian, pareho pa rin ang halaga ng pagkakataon para sa isang bagay, hindi para sa lahat ng bagay.
- Ang isang tao ay piniling mag-tago ng P 5,000 sa bahay niya kung sakaling may kailangang pag-gastusan. Ipinagkakait niya sa sarili niya ang interes na maari niyang makuha kung sakaling idineposito niya ang perang iyon sa bangko. Ang interes na maari sana niyang makuha ay ang halaga ng pagkakataon ng pagtago niya ng pera sa bahay.
- Kung ang isang lokal na pamahalaan ay nagpasya na magpatayo ng isang silid aklatan sa isang bakanteng lote sa kanilang lungsod, ang halaga ng pagkakataon dito ay ang mga gusaling hindi na pwedeng ipatayo sa bakanteng lote na iyon, halimbawa ay isang klinika.
- May isang tao na gustong panoorin ang dalawang palabas sa telebisyon ngunit magkasabay na pinapalabas at walang paraan para mapanood ulit ang mga programa. Ang halaga ng pagkakataon ng panonood ng programa sa isang estasyon ay ang hindi niya panonood ng programa sa kabilang estasyon.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Ekonomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.